21: STUCK WITH YOU

154 16 0
                                    

"Aaron?" Gulat kong bungad sa kanya.

"O, ba't gulat na gulat ka?" Tanong niya sa akin tsaka nilagay ang pizza sa table.

"Akala ko mamaya ka pa pupunta dito?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni mommy, hindi ko parin tinatanggal ang paningin ko kay Aaron.

"Naku, nasa labas si Aaron kanina at hinihintay ka. Pinapasok ko nalang at nagpasyang magluto ng snack, hindi ko alam chef pala 'tong manliligaw mo," sabi ni mommy.

Kiniliti ko at tagiliran ni mommy para titigil siya sa salitang manliligaw bahagya namang tumawa si Aaron. Kumuha nalang ako ng pizza tsaka nilamon iyon.

"Masarap ba Sam?" Tanong ni Aaron habang nakangiti.

"Y-yes, sobra." Sagot ko at kumuha ulit ng pizza.

Nagpaalam si mommy dahil magpapahinga raw muna siya, si Nani naman ay umalis din para mag prepare ng dinner. Pangtatlong slice ko na ang pizza na'to, masarap lang talaga. Nang tinignan ko si Aaron ay nakatitig siya sa akin.

"Ano ba Aaron, nakakainis ang pagtitig na yan," sabi ko sa kanya sabay takip sa mukha niya gamit ang kamay ko.

Tumawa siya kaya napabuntong hininga ako. Ano na naman ang iniisip nito?

"Ayoko muna umuwi, kwentuhan mo muna ako." Sabi niya at naalala ko ang message niya sa akin kanina.

Ano ba kasi ang ikukwento ko? Yung nangyari ba sa canteen? Panigurado talagang alam niya yun, mga kaibigan niya pa.

"Ano ba ang ikukwento ko?" Tinanong ko nalang sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Sam, kahit wala ako sa campus kanina alam kong nasigawan ka ni Sammuel. Kwento mo naman!" -Aaron

Nagulat naman ako sa sinabi niya, Aaron it's not a big deal for me. Okay lang ako!

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin.

"Kung sasagutin kita, promise me na sasagot ka rin sa tanong ko sayo," sabi ko at tumango lamang siya.

Kumuha muna ako ng tubig sa ref tsaka ko binaling sa kanya ang atensyon ko. Tahimik lang siya at paniguradong hinihintay niya ang sasabihin ko kaya nagsalita na ako.

"Honestly, I'm okay," panimula ko. "I don't know kung ano ang nararamdaman ko kanina nung sinigawan niya ako. I think it's okay? Maybe it's okay!" Sabi ko at nakakunot naman ang noo ni Aaron.

"Okay lang sayo? Pero diba pinaka ayaw mo ay sinisigawan ka?" Tanong ni Aaron.

Medyo nabigla ako sa sinabi niya, bakit alam niyang ayoko sa lahat ang sisigawan ako ng hindi ko kaano-ano? Tama, ayoko talagang pagsigawan ako.

"Oo Aaron but at that time, hindi ko alam. Hindi ako nasaktan, ewan ko." Naguguluhan kong sabi sa kanya.

"So tama nga ako, gusto mo si Sammuel." Diretsong sabi ni Aaron.

Natulala ako sa sinabi niya. Bakit parang gusto niyang ipamukha sa'kin na gusto ko si Sixth? What if siya na ang gusto ko diba?

"No. Shut up Aaron," sabi ko at binalik ang tubig sa ref. "Sagotin mo ang tanong ko, Nag-away ba kayo nila Sixth?" Tanong ko at bigla niyang nilagay ang kinakaing pizza niya sa table.

"Hoy, ang daya mo naman. Sagotin mo ako," sabi ko.

"Bakit nangliligaw ka ba sa'kin?" Tanong ni Aaron na kinabigla ko.

Huh? Anong ibig niyang sabihin na nangliligaw ako sa kanya? Sagotin mo ako!

"Ayyy corny ng joke mo," sabi ko at nag cross arms. "Ano na?" Pangungulit ko sa kanya.

Hindi niya pa rin ako sinagot at naglakad papuntang itaas. Hinabol ko naman siya para masagot talaga ang tanong ko. Hindi ko siya nahabol dahil ang bilis niyang maglakad. Time two ang normal na lakad ko sa kanya kaya tinakbo ko na hanggang sa makarating na kami sa guest room.

"Stop!" Sigaw ko tapos hinarangan ang pinto ng guest room.

"Umalis ka diyan, kukunin ko ang hoodie ko." Sabi niya sabay hila sa akin.

At dahil malakas siya, nahila niya talaga ako paalis sa pintuan at tuluyan na siyang nakapasok sa guest room. Nang nakita ko ang hoodie niya ay agad akong pumasok at dali-dali itong kinuha.

"Ayy nahawakan ko na, akin na'to!" Sabi ko at tinago ito sa likoran ko.

"Sa'kin na yan," pag-agaw ni Aaron kaya tumakbo ako sa ibang bahagi ng room at dali-dali ko itong sinuot.

"Nasuot ko na, bawal ko na itong hubarin. Kaya akin na 'to," sabi ko at tumawa naman siya.

"Masyado kang pa-fall," sambit niya na kinatigil ko.

"Hindi naman," tanggi ko.

Tumahimik ang buong guest room. Hindi ko na naman alam kung ano ang sasabihin ko, si Aaron naman ay parang may iniisip kaya hindi nalang din ako nagsasalita. Bumuntong hininga siya tsaka ako hinarap.

"Uuwi na ako," sabi niya kaya medyo nalungkot ako.

"Sige, ihatid na kita sa labas." Sabi ko at hinubad ang hoodie niya, "Oo, sorry nga pala."

Bumaba na kami. Hindi sinuot ni Aaron anv hoodie niya, paglabas namin ay hinarap niya ako sabay ngiti.

"Sayo na 'to," sabi niya at nilahad ito. "But promise me to take of that, wag mo yang iwala." Dagdag niya.

Dahil gusto na gusto ko ang hoodie niya ay hindi ako nagdalawang isip na kunin ito, ngumiti ako sa kanya sabay kuha ng hoodie.

"Thankyou," sabi ko. "I promise, makikita mo itong suot ko sa darating na field trip." Dagdag ko at ngumiti ng malapad sa kanya.

"Bye," sabi niya at sumakay na.

Gaya ng dati, bumulong siya sa hangin ng I love you. Kahit hindi ko pinapakita sa kanya, kinilig ako sa simpleng pag bulong niyang iyon. Nang nakalayo na siya ay saka na ako pumasok sa loob ng bahay. Niyakap ko ang hoodie na binigay ni Aaron sabay ngiti. I will take care of this!

Umakyat na ako sa kwarto at hindi na lalabas pa, busog na ako sa pizza na nakain ko. Magbabasa ako sa mga topic na na-discuss na namin last week baka may surprise test, hilig pa naman iyon kay Mrs. Tamayo. Pagkabuklat ko ng notes ko ay naaalala ko na naman ang journal ko, nasaan kaya yun? Nasa bag ko lang naman yun nakalagay, hindi ko iyon nilalabas unless may isusulat ako.

Maya-maya ay nag-beep sa phone ko kaya dali-dali ko iyon kinuha at binasa.

Sixth:

Hi Ritz, I'm really sorry na na sigawan kita kanina. I don't know kung anong nangyari sa'kin, siguro apektado lang ako sa presensya ni Allysa. Hindi ako klase ng lalaki na nag so-sorry pero pagdating sayo ay ginagawa ko iyon. I'm sorry, please message back. I'm begging.

Huminga ako ng malalim matapos ko iyon mabasa, hindi naman ako galit sa kanya kaya r'replyan ko talaga siya. Pero ano ang isasagot ko?

Ako:

It's okay Sixth, I understand. 'Wag mo lang ulitin yun.

Sixth:

Talaga? Thank you Ritz.

Ako:

Oo naman.

Ako:

By the way, I need to sleep. Good night:)

Sixth:

Good night my love!

Tumindig lahat ng balahibo ko nang nabasa ko ang my love. Is he serious? Or pinaglaruan niya lang ako. Seryoso din ba siya sa sinabi niyang gusto niya ako?

I'm really hoping it's true.

Please Vote and Comment below👇
READ AND BE A FUN.

XOXO, BisayangAuthor!

STUCK WITH YOUNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ