1: STUCK WITH YOU

1.3K 59 0
                                    

Diana Paraiso Alegre P.O.V

"Yanaaaaaaaaa!"

"Oh my god! Oh my god!" Nagising ako sa tawag ng bruha kong bestfriend na pinsan.

Yes, pinsan ko ang aking bestfriend. Sabi nga nila, the best pag bestfriend mo ang pinsan mo, mas sulit.

Alam ko na bakit ganyan siya makasigaw, top 1 siguro siya sa buong campus. Ewan ko ba't big deal niya ang pagiging top 1 niya, ehhh consistent naman siya noon pa man.

"Yana, I can't believe!" Excited niyang sabi.

"Ano ba Sam, nakakairita na yang pag sigaw mo ha? Natutulog ako, alam ko na yang mga isigaw mo na yan," padabog na sabi ko.

Imbis na tumigil siya sa pagsigaw, heto't niyuyugyog na ako. Haytss!

"Alam mo na? Alam mo nang pasok ka sa top 10?" Excited na sabi niya.

Yan lang pala, maliit na bagay.

WAIT, WHAT? SERYOSO BA 'TO? PANAGINIP BA TO? AKO? TOP 10?

"Hoy Yana, ba't tulala ka? Akala ko ba alam mo na?" Tanong niya sabay pout.

Totoo ba? Totoo?

Hindi ko na siya sinagot at tumakbo na ako patungong bulletin board. Kung nagsisinungaling siya, patay siya sa'kin. Pagdating ko doon ay maraming tao ang nagkukumpulan, hinahanap din nila ang pangalan nila.

Kahit maraming tao ay nagsusuot talaga ako para lang makita ang pangalan ko sa top 10, kung totoo nga! Hinanap ko agad ang pangalan ko pagdating sa bulletin board

Campus Genius for the 1st Grading!

Top 1- Ritz Samantha T. Paraiso
Top 2- Xander Dominique P. Uy
.
.
.
.
.
.
.
Top 10- Diana P. Alegre

Totoo nga, top 10 nga ako!

Sumisigaw ang isip dahil sa tuwa, kulang nalang ay pag hahampas ko si Sam.

"Yanaaaaaaaaa!"-Sam

Ang ingay niya sobra. Ba't naging bestfriend ko 'tong babaeng 'to, napaka ingay. Pero infairness, kahit maingay top 1 sa buong campus.

Si Ritz Samantha Tan Paraiso, pinsan ko at bestfriend simula bata. Iisa kami sa bahay noong Grade School kami, pero nung nag Junior High School ay nakabili rin sila ng sariling lupa ang mga magulang niya. Lawyer ang Daddy niya at yung Mommy niya ang nagdadala sa business nila, may sarili silang kompanya. My mom and her dad are sibling, so isa rin sa rason bakit close kami. Mayaman sila pero hindi tulad ng iba na ipagmalaki bilang mayaman sila. Ayaw niya kasing may special treatment siya- dito sa school namin, basta mayaman may special treatment.

Napakadaldal at makulit na babae si Sam, pero pinakamatalino naman sa buong school namin, sa senior high department.

Naks naman!

Walang boyfriend yan, NBSB ika nga! Namimili ng mga lalaki, grade 11 na kami pero jusmiyo, wala talaga siyang boyfriend. Pati rin naman ako, wala rin. Tumatawa na ako sa isipan ko.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now