14: STUCK WITH YOU

223 32 0
                                    

Dumating ako sa bahay nang lutang. Hindi ko alam ang gagawin ngayon dahil nawala ang mga iniisip ko dahil sa sinabi ni Sixth. "Ritz, I like you" sambit sa isip ko. Waaaaaaah! Kinilig ako dun.

Nang naghapunan na kami nina Mom at Dad wala pa din ako sa sarili. May sinasabi pa si Mommy about sa'kin pero Oo lang ako ng Oo kahit hindi ko naman talaga narinig iyon.

"Darling, pupunta daw si Yana dito. May assignments ba kayo?" tugon ni Mommy.

"H-huh? Wala naman mommy!" Lutang ko paring sagot.

"Baka magpapalipas lang ng oras," sabi ni Daddy.

Nagpatuloy na akong kumain at nagmamadali papuntang kwarto ko. Kukunin ko lang ang mga kalat ko doon. Baka tutuksuhin pa ako ni Yana dahil sa mga kalat ko. Maya-maya may kumatok na sa pinto kaya paniguradong si Yana na iyon.

"Beshy!" excited na saad ni Yana.

"Ang excited mo ata? Anong ganap?"

"Kami na." Bungad niya sa akin.

"Sino? Yung stambay sa kalye? Suss Yana... Sinasabi ko sayo, pineperahan kalang nun," satsat ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama. Eh, totoo naman eh? Ano ba kasi ang nakita niya sa mga tambay? Hahays!

"Oh, ano naman kasi yang iniisip mo ha? Nag tanong kaba?" Inis niyang sabi.

Like duhh? Lahat naman ng mga boyfriend niya puro tambay sa kalye? Eh anong bago?

"Ganun ba kababaw tingin mo sa standards ng mga lalaki na nagustuhan ko?" Dagdag pa niya.

"Sino ba kasi yan? At pinunta mo talaga dito sa bahay?" sabay kamot ko sa ulo ko.

Nawala ang masamang tingin niya sa akin at napalitan ng ngiti. Sino ba kasi yang malas na lalaki na yan?

"S-si G-gwapong Lanze!" Kilig niyang sabi.

Ang cute niya sa mapupulang cheeks niya. Kung baga nagbu-blush. Sus! Teka nga? Ano nga ulit sabi niya? Si Lanze? Whuttt!

"What!?" pasigaw kong utal. "Gwapong Lanze na ngayon, e noon Hambog ang tawag mo," sabi ko.

"O... Easy ka lang Sam! Sabi ko nga bang mabibigla ka," medyo nahihiya niyang sabi.

Okay lang naman eh. Sana magtitino na yang si Yana pagdating sa lalaki at 'tsaka sana pati si Lanze, sana itigil na niya ang pagrariot niya.

"Diyan ka lang Yana ha? Kukuha ako ng makakain," sabi ko.

Iniwan ko siyang nanood ng TV. Dumiretso ako sa ref para tignan ang nandon. Tamang-tama! Manggang hilaw ang nakita ko. Pinanitan ko ang mangga kahit nahihirapan na ako. Kumuha pa ako ng bagoong, kumuha din ako ng chips 'tsaka Iced tea. Umakyat na ako nang may nag beep sa phone ko. Kinuha ko lang ang phone ko nang nakalagay na ang tray sa round table ko.

Sixth:

Ritz? Are you awake?

Kinabahan ako sa text niya. My god! Ano kaya ang isasagot ko dito?

"Ano 'to?"

Kinuha ni Yana ang phone ko kaya mas lalo akong kinabahan. Binasa pa niya at nakasuot ng nakakalokong ngiti.

"Uyy.. Si Samantha pumapag-ibig din!" Pangungulit niya sa akin.

Padabog kong kinuha ang phone, "Di kaya!"

"Replyan mo na!" Cheer niya sa'kin.

Hindi ko na siya pinakinggan at pumunta na ako round table. Ewan ko sa kanya, lalo lang ako kakabahan pag may idadagdag pa siyang mga salita.

STUCK WITH YOUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora