30: STUCK WITH YOU

147 13 0
                                    

"No!" Agad na sagot ni Aaron.

Pagkatapos sabihin ni Aaron iyon ay biglang tumahimik ang room, nakatingin sa akin ang lola ni Aaron kaya ngumiti ako sa kanya. Ngumiti siya pabalik sa akin, lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Good evening po Ma'am," bati ko.

"Call me Lola, you're Aaron's special friend." Sabi niya sabay ngiti.

"Lola!" Pagtawag ni Aaron.

Tumawa si Lola dahil naiinis si Aaron sa sinabi niya, ako man ay natawa rin.

"Joke lang apo, wag kang mainis diyan." Sabi ni Lola.

I can sense that she's good. Naging magaan agad ang loob ko sa kanya. Nagkukwentuhan kami tungkol sa kabataan niya, tawang-tawa ako dahil siga pala siya dati. Umuwi muna ang parents ni Aaron para magbihis kaya kami nalang ni Aaron ang natira dito. Natutulog na si Lola Nice kaya tahimik kami ni Aaron na nakaupo sa couch.

"Wala ako bukas," sabi ni Aaron sa kalagitnaan ng katahimikan.

"A-ahh okay!" Sagot ko. Wala na naman siya:(

"Salamat pala dahil sinamahan mo ako." -Aaron

"It's okay Aaron, anytime you can call me." Sabi ko at bahagyang kinangiti niya.

Maya-maya ay dumating na ang parents ni Aaron kaya nagpasya siyang ihatid na ako. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan nang nakalabas sa room. Palakad na kami ni Aaron palabas sa hospital nang may naalala ako.

"Alam na ba 'to ng mga kaibigan mo?" Tanong ko.

"Ahmm, not yet." Sagot niya at tumango lang ako.

Nasa kotse na kami nang nagring ang phone ko, It's mom, I know. Sinagot ko agad at tinanong niya lang ako kung okay ba ako at saan ako. Sinagot ko siya ng totoo at binaba niya na rin ang phone. Naging tahimik na naman si Aaron, I don't want to feel like this parang awkward na. Ayokong maging awkward kami ni Aaron, gusto ko malapit kami. Is it selfish?

"Are you okay?" I asked.

"Ahh yes! Why?" Tanong niya pabalik sa'kin.

"Wala lang. Can I ask a favor?"

"What?"

"A-ahh please, I don't want us to be awkward. Parang dati lan, yun yung gusto ko." Diretsong sabi ko.

"Okay, I will!" Sabi niya kaya natuwa ako.

Pagdating ko sa bahay ay nakangiti pa rin ako dahil na rin sa sinabi ni Aaron. Naging maayos ang tulog ko at nagising ako sa sikat ng araw.

Araw!

Sht? Anong oras na ba?

Agad akong bumangon sa kama at pumunta sa CR, dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na naayos ang pagligo ko. Mamayang gabi ko nalang babawiin, as long as hindi ako malalate. Pagbaba ko ay wala na sina mommy at daddy, lumapit sa akin si nani para ihanda ang pagkain ko.

"Anong oras na ba Nani?" Tanong ko.

"Quarter to seven pa naman." Sabi ni Nani.

"What?! Bakit ang sikat na ng araw? Bakit wala na sina mom?" Sunod-sunod kong tanong.

Tumawa ng bahagya si Nani, "Maaga talaga sila ngayon dahil may tatapusin lang sila at uuwi mamayang lunch. May lakad daw kayo." Sabi niya.

"P-po? S-saan?" -Ako

"Sa bukid, titignan ninyo ang nabiling lupa ng dad mo." Sagot naman ni manang.

"Bakit kasama pa ako?" Tanong ko ulit.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now