Chapter 16: Noella

31 4 0
                                    

ALYSSON

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

ALYSSON

"We found something in Gab's drawer," he handed me a notebook. Kinuha ko naman iyon. "May nakadikit na sticky note riyan kagabi pero tinanggal ko na."

Kinuha ko sa kaniya ang libro. "Anong nakasulat?"

"Don't open it until December 12," he replied, glancing at the book then glanced at me again. "That would be our 5th month of staying here."

Pagtapos sabihin iyon ni Zayn ay umalis na rin siya agad. Mag-aayos pa siya para sa klase mamaya. Gano'n din ang ginawa namin, isinantabi ko muna ang pag-iisip tungkol sa libro na iyon at nag-ayos na ng sarili.

Pagtapos, dumiretso na ako sa office. Nauna na magsipasok ang mga kasama ko, dahil bilang isang bagong sekretarya ng Student Council, kailangan ko lagi dumiretso muna sa office bago pumunta sa klase. Hindi naman ako pinagagalitan kapag nalelate, na-informed na kasi sila about sa'kin.

"Good morning!"

Pagpasok na pagpasok ko sa silid, si Top agad ang bumungad sa akin. Binati niya ako nang nakangiti, so I did the same.

"Good morning," I greeted him back. "Does Commander already here?"

"Uh, yeah..." He looked at Commander's door. "Actually, kanina ka pa niya inaantay."

"Okay, thanks."

Lumabas na siya ng office, iilan na lang din ang tao rito. Kailan kaya ako magiging maaga sa pagpasok? Siguro pag na-enjoy ko na ang pagiging secretary? Not sure.

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa pintuan ng office ni Commander bago pihitin ang doorknob. Nakatalikod siya habang nakaupo sa kaniyang swivel chair.

"Ehem," I acted like I was clearing my throat just to call his attention. "Good morning."

Umikot siya paharap. "You're 7 minutes late."

Pagtapos pagmasdan ang itsura niya, bigla na lang bumalik sa akin ang nangyari kay Gab. Hindi ko alam kung bakit pero siya at ang mga kaibigan niya ang gusto kong sisihin sa pagkawala ni Gab.

Isa o dalawang linggo yata sila noon sumabay sa amin kumain ng lunch bago mangyari iyon. Paano kung pinagplanuhan nila iyon?

Iyong reaksyon nila, tahimik lang sila noong nakita nilang bumagsak sa sahig si Gab. Wala man lang reaksyon na makikita sa mukha nila! Parang wala silang paki. Parang sanay na sanay na sila!

Kumuyom ang kamao ko saka inalis ang tingin sa kaniya. "I'm sorry."

"Forget it, let's go." Tumayo siya saka naunang lumabas ng kaniyang opisina.

Sunod lamang ako sa kaniya habang lumilibot kami sa buong eskwelahan. May mga nahuhuli kaming nagtatakbuhan, siguro nakita kami kaya tumakbo sila para pumasok. Naglibot din kami sa bawat dorms para i-check na walang nagc-cutting classes or absents, puwera na lang kung may sakit.

There's No Way Out (TLS Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin