Chapter 1: The Lost School

274 77 151
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

"Malayo pa ba tayo, Anthony?" tanong ko sa lalaking nangunguna sa amin sa paglalakad.

Bundok na ata itong inaakyat namin o kagubatan, hindi pa rin kami nakararating sa sinasabi ni Samantha na siyang may-ari ng mapa na sinusundan namin ng daan ngayon patungo sa sinasabi nitong School.

Really? School? Ganitong kalayo na School? Baka mga taga bundok lang ang mga nag-aaral doon. Hindi ko pa alam kung bakit at paano ako nakasama sa mga ito, pero kung alam ko lang na ganito kalayo, sana hindi na lang ako sumama.

May dala naman kaming sasakyan. Dalawang sasakyan na pagmamay-ari nina Gab at Anthony. Pero naglalakad kami ngayon dahil hindi naman pwedeng ipasok ang sasakyan dito at baka masira lang.

Three days na nga ata naming sinusundan ang mapa pero hanggang ngayon hindi pa rin namin ito nahahanap: ang School na sinasabi ni Sam. Dalawang araw na byahe at isang araw na paglalakad, mabuti na lang at may dala kaming maraming pagkain at tubig dahil kung hindi baka patay na kami bago pa makarating sa aming destinasyon.

"Malapit naman na ata tayo. Saglit, asan na nga ba tayo?" lahat kami ay napahinto sa sinagot ni Anthony.

"Dang. Hoy! Antonyo, ikaw ang may hawak ng mapa ayusin mo buhay mo!" sigaw ni Gabriel. Napabuntong hininga na lang ako.

Umupo muna kami sa malaking bato para makapagpahinga, magdidilim na naman tapos hindi pa kami nakakarating doon.

Seriously, nag-e-exist ba talaga 'yon? Ghad, I'm so tired. Gusto ko na umuwi.

"Sam, baka naman ikaw lang ang gumawa ng mapa na 'yan?" ani Mila na pinagkatitigan si Sam. Halata ang pagkainis sa mukha nito.

Kahit ako, hindi ko rin maiwasan na hindi mainis. Tatlong araw ba naman kaming bumyahe tapos aabutin pa ata kami ng dalawang araw sa paglalakad. Sobrang nakakawala ng lakas at pag-asa. Paano na lang kung naligaw na kami? Ghad, gusto ko na talaga umuwi. Pero sayang lang ang pagod namin kung hindi pa namin ito ipagpapatuloy. Arg, sobrang gulo na ng isip ko.

"Duh, mahilig ako sa adventure pero mukha ba akong marunong mag drawing?" sabay irap nito kay Mila.

Akmang magsasalita naman ulit si Mila nang sumingit na sa usapan si Zsaris. "Ayan, magsusumbatan na naman kayong dalawa. Will you both please stop? Hindi tayo makakarating doon kung patuloy lang kayo sa pag-aaway."

Hindi naman na nagsalita pa ang dalawa. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga nangyayari.

"Ano ba pangalan ng paaralan na hinahanap natin?" tanong ni Gabriel.

"The Lost School," walang ganang sagot ni Mila dito.

"The Lost School naman pala e, malamang hindi talaga natin mahahanap 'yan, lost nga e!" saad ni Gab. Kaagad naman siyang binatukan ni Zsaris. Natawa na lang ako.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now