Chapter 25: Ex Secretary

17 2 0
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

"Commander," tawag ko.

Lumingon siya sa'kin nang tawagin ko siya ngunit hindi siya nagsalita. Patuloy lamang siyang naglakad at hindi na ako muling pinansin pa.

"Ano bang nagawa ko bakit ka ganiyan?" Hinila ko ang braso niya dahilan para matigil siya sa paglakad. Humarap siya sa'kin dala ang mala-yelo niyang titig.

"What?" he asked.

My brows furrowed. "Really? Until when will you act like that?"

"I don't know you."

My eyes widened. Damn. Nagmumukha siyang bata sa inaasta niya. Matapos noong nangyari kina Eve at Mila ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Wala naman talaga akong ginawa 'di ba? At itong isang 'to hindi ko maintindihan. Nakakainis, parang bata kung umasta!

"What are you, a kid? Damn. Grow up, dude!"

From his expressionless face, his brows furrowed at what I said. Got you.

It's not that I'm not scared of him anymore; it's just that I want to know his reason.

"You know, old hag? Just get lost," he said before turning his back.

My eyes widened. Do I look old?! Damn him! Kung hindi lang ako natatakot sa kaniya ay baka sinugod ko na siya. Kung hindi ko lang alam na magaling siya makipaglaban ay baka sinunggaban ko na siya. Damn that Commander. I hate him!

Hindi ko na siya hinabol pa at umiba na lang ng direksyon. Nakakapasok naman na ako sa opisina, 'yon nga lang ay hindi pa rin niya ako kinikibo. Kung may iuutos siya sa'kin, tatawagin niya pa si Justine para siya na ang magsabi sa'kin ng gagawin. Imbes na diretso niyang sabihin sa'kin ang gagawin, pinapadaan niya pa sa iba! At sa ilang linggo na nagdaan, ngayon ko lang siya nakausap. Ang malala pa, ngayon na nga lang ulit nakausap, tinawag pa akong matanda!

"Hey, you alright?"

Isang butiki ang sumulpot sa harapan ko. Sino ba ang bigla-bigla na lamang sumusulpot tuwing mag-isa ako? E'di si Cayzer.

Napairap na lamang ako at akmang lalagpasan siya nang humarang naman siya sa harapan ko para pigilan ako. Minsan naiisip ko na baka sinusundan niya ako palagi. Kung nasaan ako naroon din siya. 'Yong totoo?

"Ano na naman ba, Cayzer?"

Ngumiti siya sa'kin. "If I knew na masarap pala sa taenga ang pagtawag mo sa pangalan ko, e'di sana una pa lang binigay ko na agad sa'yo ang pangalan ko."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo?"

Umiling siya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. "Badtrip ka? Kain tayo?"

"Wala ako sa mood, okay?"

"Okay. Let's eat." sabay hila niya sa'kin na walang pasabi.

"Hey, I don't want to eat! I'm full!"

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now