Chapter 8: Red-Eyed Guy

71 22 26
                                    

KRISTOFF

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KRISTOFF

Nagkita-kita kaming mga lalaki sa garden, gano'n din ang mga babae. Napagpasyahan namin na rito na maghintayan tuwing lunch break para sabay-sabay na kami sa pagpunta sa cafeteria.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria, nasa likuran lang kami ng mga magpapartner naming kasama na sina Samantha at Anthony; Ice at Darwin; Charlotte and Yuan. Hindi ko alam kung anong mayro'n kay Sam at Antonyo pero halata namang may gusto si Sam kay Antonyo. Gano'n din naman ang kay Charlotte at Yuan. Ang sure lang talaga naming may status ay sina Ice at Darwin.

Magkasabay naman maglakad sina Eve at Gabriel habang nag-uusap. Si Zayn naman ay kinakausap din si Alysson. Tapos ang kasabay ko naman sa paglalakad sa likod ng mga iyon ay sina Megi, Mila at Zsaris pero sina Mila at Zsaris lang naman ang nag-uusap, psh.

Ayos lang naman ako kahit walang kausap, putcha sa gwapo kong ito ayos lang talaga. Si Megi kasi tahimik lang e, mukhang namimiss ang kambal niya.

"Kayong mga lalaki na ang kumuha ng order namin," suhestiyon ni Mila nang makahanap kami ng mauupuan.

Mahaba ang lamesa, sobra pa nga sa 'min ang haba ng mesa kahit marami na kami.

"Sige sabihin niyo lang kung ano ang inyo, si Kristoff ang bibili," sabi ni Gabriel na agad ko namang nabatukan. Gago ito, ako pa ang tinuro.

"Alam mo, pre sa susunod na batukan mo pa ako ulit sasakalin na kita," biro ni Gab habang hinihimas-himas ang parte ng binatukan ko. Nagsitawanan naman ang mga kasama namin.

Hindi na ako nagsalita pa at kaming mga lalaki na nga ang kumuha ng pagkain nila. Nagtataka kayo kung paano kami nakakakain dito? Syempre libre para sa mga gwapong katulad ko. Kidding, libre kasi ang mga pagkain dito. Saka saan naman kami kukuha ng pera pang bayad kung hindi libre? Hindi nga kami pwede lumabas dito e, so malamang wala kaming pagkukunan ng pera.

Ilang minuto lang naman ang lumipas at nakabalik na rin kami sa pwesto kanina at inilapag ang pagkain ng mga babae naming kasama. Syempre 'yung amin din.

"Kahit nakakatakot sa eskwelahan na ito, ang sarap pa rin ng pagkain," sabi ng matakaw na si Zsaris.

"Baka mga laman loob ng tao ang sahog?" pagbibiro ko. Putcha pati ako nandiri sa mismong sinabi ko.

"Gago ka, Kristoff!" natatawang sabi ni Anthony.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay ang pagdating ng ngiting-ngiti na kapatid ni Eve. Hindi lang siya, may kasama pa itong apat na lalaki. O-kay?

"Kuya!" masiglang bati ni Eve sa kuya niya.

Ano nga ulit pangalan ng kuya niya? Morning ba? Hehe.

"Pwede ba kaming makisalo?" tanong ng kuya ni Eve, tumango naman agad si Eve.

Hindi man lang nagtanong sa 'min? Paano kung ayaw namin sila kasama ruto? Tsk. Tsk. Pinagmasdan ko ang lima na bagong dating na nagsiupo. Namumukhaan ko ang isa, iyon ang tumawag sa kuya ni Eve kahapon e. Pero kahit namumukhaan ko siya, mas gwapo pa rin ako. H'wag kayong mag-alala, hindi ako nagsisinungaling. I'm a honest person.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now