Chapter 34: Dark, Creepy, and Scary

7 0 0
                                    

SAMANTHA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAMANTHA

Inabot ng gabi ang usapan namin. Nalaman namin na si Commander ay ang lider ng red group o tinatawag nilang Young Knives. Ang grupo nila ay binubuo ng sampung miyembro kasama na si Commander, ayon sa'king pagkatatanda sila ay sina:

- Greyson Grauman
- Justine Mag
- Steven Wards
- Yael Cerna
- Bryan Menor
- France Toff
- Angela Cesar
- Sofia Anderson
- Jameson Llavanes at;
- Charles Johnson.

Sa itim na group naman o kilala bilang Born Killers ay binubuo ng pitong miyembro. Ang lider nila ay si Victor Chua. Ang sabi ni Cayzer ay lima lang daw silang miyembro ng Born Killers pero in-announce raw ni Victor na may sumali sa kanilang dalawa ngunit hindi nila maaaring malaman kung sino ang dalawang 'yon. Hindi pa nila kahit kailan nakita ang dalawang bago sa grupo nila. Ang limang miyembro na kasama sa Born Killers ay sina:

- Victor Chua
- Betty Chua
- Rowena Chua
- Toffy Arcanjel
- Cayzer Magno

Ang asul na grupo naman o kilala bilang Ocean Elevens ay binubuo ng eleven members at pinamumunuan sila ng Vice President ng Student Council na si Top Faurenz. Ang mga kasapi rito ay sina:

- Top Faurenz
- Noella Morry
- Sassy Fortune
- Charlie Johnson [na kambal ni Charles na mula sa grupo ni Commander.]
- David Cords
- Jose Lipa
- Mon Cael
- Frent Lorenz
- Drew Quinto
- Zandee Hawk at;
- Zoren Stoll.

Lahat ng grupo ay may nagsisilbing lider pero ang sabi ni Commander at Cayzer, may mas namumuno pa raw sa mga grupo na 'to at iisang tao lang siya. Siya ang tinatawag nilang Madam. Hindi pa raw nila nakita ang mukha no'n kahit na isang beses, tuwing may sasabihin lamang ito ay do'n lang daw nila siya makikita ngunit nakamaskara siya.

Napabuntong hininga na lang ako nang maalala lahat ng pinag-usapan namin kagabi. Hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng eskwelahan na nag-e-exist. Legal ang pagpatay at may creepy pa na namumuno sa eskwelahan na 'to. Iisipin mong panaginip lang lahat ng ito kapag inisip mong halos hindi makatotohanan lahat ng nangyayari at nangyari sa paaralan na ito.

"Ow!" Agad akong napayuko at pinulot ang mga librong nahulog ko nang may mabunggo ako. Kukunin ko na sana ang huling libro nang may tumapak dito. Tumingala ako at pinagtaasan ng kilay ang babae na itim lahat ang suot.

"Hindi ka ba mag so-sorry?" She crossed her arms.

Pinaikot ko ang mga mata ko saka bumaling ulit sa libro na inaapakan niya. Bumuntong hininga ako bago ko sinuntok ang paa niya. Mabuti naman at tinanggal niya ang paa niya, kun'di sasaksakin ko 'yon.

She scoffed. "Wow, ikaw na itong nakabunggo tapos ikaw pa may ganang manuntok? Really?"

Tumayo ako at niyakap nang mahigpit ang mga libro. "Excuse me, baka mahuli ako sa klase."

She smirked. "Do you wanna die?"

Sasagot na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Sam!"

There's No Way Out (TLS Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon