Chapter 11: Madam Is On The Way

36 14 0
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

Matapos ang nangyaring iyon kay Kristoff, wala na akong ginawa kun'di ang tumunganga rito sa infirmary. Kasama ko na ngayon ang mga kaibigan ko, gaya ko ay tahimik lamang sila. Kung tatanungin niyo ako kung okay na ba si Kristoff, ang sagot ay 'hindi ko alam'. Wala naman dito sa infirmary si Kristoff. Kung nagtataka kayo kung bakit kami narito, rito kami pinaghintay ng mga nurse na hindi ko alam kung saan nanggaling. Naka-lab gown pa nga sila nang kuhanin si Kristoff dito sa infirmary.

Natatakot ako baka kung ano na ang nangyari kay Kristoff. Hindi ko na kakayanin pa kung may mawawala pa sa amin. Tama na siguro ang ibang nabawas sa'min 'di ba? Sana hindi na kami mabawasan pa. Natatakot ako na baka naubusan na ng dugo si Kristoff. Pero nagbabakasali ako na sana okay na siya ngayon. Sana magagaling ang mga taong kumuha sa katawan niya kanina rito sa infirmary.

Kanina, pagtapos mawalan ng malay ni Kristoff ay si Miss Hermossa ang tumulong sa akin para madala rito si Kristoff. Mabuti na nga lang at marami siyang pwedeng contact-in para hingan ng tulong. Siguro ay siya rin ang nasa likod ng mga kumuha kay Kristoff kanina. Magiging malaki pa siguro ang pagpapasalamat ko sa kaniya kung maliligtas nila si Kristoff. Kung marami mang nawala sa kaniyang dugo, willing ako mag-donate. Sana lang ay magka-blood type kami.

Kasalanan ko 'to e! Kung hindi niya ako tinulungan e 'di sana okay pa siya ngayon. Sana nakikipagtawanan at biruan pa siya ngayon kina Gabriel. Naiinis ako sa sarili ko. Ako ang pinag-ugatan ng nangyari kay Kristoff. Kung hindi lang sana ako lumabas ng classroom at nagtatatakbo e'di sana walang ganitong nangyari. Nakakainis ka, Alysson! Dapat ikaw ngayon ang naghihingalo roon at hindi si Kristoff!

"Hey," naramdaman kong tumabi sa akin si Mila kaya nilingon ko siya. "Punasan mo nga 'yang luha mo, baka mamaya pumangit ka niyan," inabutan niya ako ng panyo na kinuha ko naman at pinunas sa mga mata kong kanina pa pala lumuluha.

"Salamat," ngumiti ako sa kaniya ng pilit. Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil ako naman talaga ang dahilan kung bakit nasa ganoong kalagayan si Kristoff ngayon.

Na-i-imagine ko pa lang ang mukha at katawan niya na puno ng aparato ay hindi ko na agad mapigilan ang pagluha ko. Nasasaktan ako, kaibigan ko siya, kaibigan namin, hindi ko kayang makita siyang nahihirapan lalo na at dahil sa akin.

"Excuse me," nabaling ang atensyon naming lahat sa lalaking pumasok sa infirmary, naka-lab gown pa ito. "May nakita kaming papel na naka-attached sa gunting na itinarak sa katawan ng patient. Hindi namin maintindihan pero baka kayo maintindihan niyo," inabot niya sa amin ang naka-fold na papel na may dugo-dugo pa.

Hindi ko alam kung bungad lang talaga ako o sa akin niya talaga gusto i-abot ang papel na 'to. Noong unang pasok niya kasi nilibot niya ang tingin sa mga kasama ko tapos sa akin lang huminto ang tingin niya bago siya mag-explain. Masyado lang ba akong nag-iisip? Hay.

Binuklat ko ang papel at puro number lang ang narito kaya kumunot ang noo ko. Maging si Mila ay gano'n ang naging reaksyon nang makita ang nakasulat sa papel.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now