Chapter 9: Professor Kim

55 16 31
                                    

ALYSSON

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

ALYSSON

Maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan. Ito na ata ang unang beses na mauuna akong magising sa mga kasama ko rito sa dorm. Habang hinihintay sila, napagpasyahan kong magluto muna ng aming kakainin para sa almusal. Hindi naman namin naka-ugalian na rito mag-almusal, pero wala namang masama kung dito na kami mismo kakain.

Una kong pinuntahan sa kusina ay ang ref para makita kung ano ang pwedeng lutuin. May itlog, puro itlog lang, pfft. Nilabas ko na ang mga itlog saka binuksan ang stove. Ano ba dapat ang unahin? Itlog o sinangag? 

Kinalaunan ay inuna ko ang itlog at sinunod ang sinangag.

"Hey!"

Nilingon ko ang nagsalita. Nakatayong Charlotte ang natagpuan ng mga mata ko. Ngumiti ako sa kaniya bago nagsalita. "Good morning," bati ko, ngunit imbis na tugunan niya ang bati ko, inirapan lang niya ako saka umupo.

Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagbalik-baliktad sa kanin na sinasangag ko ngayon. Halata namang may inis siya sa 'kin, 'yon nga lang, hindi ko alam ang dahilan ng pagkainis niya. Sa pagkatatanda ko, hindi ko pa naman siya inaway o ano.

"Pwede bang h'wag ka na lumapit kay Yuan?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko, saka nilingon si Charlotte. "Pardon?"

Baka mali lang ang pagkarinig ko. Hindi naman ako lumalapit kay Yuan, si Yuan mismo ang lumalapit sa 'kin lalo na kapag may sasabihin siya sa akin, at sa tingin ko, wala namang masama roon dahil magkaibigan lang ang turingan namin.

"You heard me, stop pretending that you don't," tumayo siya mula sa pagkaka-upo.

Pinatay ko muna ang stove bago humarap sa kaniya. "Really, Charlotte? What's your problem with me?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

Hindi man niya kasi aminin o sabihin na naiinis siya sa akin, halata naman sa kilos niya.

"My problem is you keep flirting with Yuan!" sigaw niya.

Kailan ko ba nilandi si Yuan? Sa pagkaka-alam ko hindi ko naman siya nilandi.

"If you're jealous, don't worry; we're just friends," saad ko.

Hindi pa rin natatanggal ang pagtititigan naming dalawa. Nanliit ang mga mata niya sa akin dahil sa sinagot ko.

"Oh, really friends? What about the bracelet?" taas kilay niyang tanong.

Mas lalo pang kumunot ang noo ko saka hinawakan ang bracelet na binigay sa'kin ni Yuan.

"What about this?" balik kong tanong sa kaniya dahil hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto niyang palabasin o sabihin.

"Yuan gave the same thing to Ice before we found out that Darwin and Ice are officially dating. Ice—"

"What about me, Lotte?"

There's No Way Out (TLS Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin