Chapter 13: Regret

24 7 2
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

"My goodness! Sa wakas natapos din ako!"

Umupo sa tabi ko si Mila. Nakaupo ako rito mag-isa sa bench dahil ako ang unang natapos sa kanila na sumabak sa activity. Sinabihan ko lang sila na rito ako maghihintay at mukhang ako pa lang at si Mila ang natapos.

Pinang-paypay ni Mila ang kaniyang palad, as if namang may maitutulong iyon sa init na dala ng araw.

Sobrang init ngayon!

"Saan ka nga ulit sumali?" tanong ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin.

"Sa sumpak," kakamot-kamot sa ulo niyang sagot sa akin.

Hindi ko alam na marunong pala magsumpak si Mila. Alam ko madali lang iyon pero iba naman ang patakaran sa school na 'to.

"Wala bang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Umiling lang naman siya sa akin habang nakangiti.

Tumango na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Mabuti naman at ayos lang siya. Sana gano'n din ang iba ko pang mga kasama, sana walang mapahamak sa kanila sa sinalihan nila. Sa pagkakatanda ko sumali si Zsaris sa espadahan e. Sana ayos lang siya.

Ang hirap naman kasi makisiksik sa mga tao roon. Ang init pa, maglalagkit agad ang balat mo. Sobrang daming taong nanonood, kaya kahit gustuhin ko panoorin sila ay hindi ko magagawa. Baka mamaya, may sumaksak pa sa akin doon nang patago, mahirap na! Wala dapat akong pagkatiwalaan dito maliban sa mga kaibigan ko.

"Ate Mila! Ate Alysson!"

Sabay kaming lumingon ni Mila sa pinanggalingan ng boses. Nakita namin ang pagmamadali ni Eve sa pagtakbo palapit sa amin. Humahangos na siya nang makalapit, parang may humahabol sa kaniya sa sobrang bilis ng takbo niya at pati ng hingal niya.

Tiningnan ko siya, nag-aalala. "Are you okay?"

Lumingon siya sa likod niya saka tumango.

"Umupo ka muna rito," ni-tap ko ang space sa kanan ko para roon siya umupo. Sinunod naman niya ang sinabi ko.

"Bakit parang hinahabol ka ng multo?" tanong ni Mila.

"May humahabol sa'kin pero hindi multo!" hinihingal pa rin na sagot niya. "Mabuti na nga lang at nakita ko kayo e."

"Sino ang sumusunod sayo?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi ko naman iyon nilingon. Basta, pakiramdam ko may nagmamasid sa'kin tapos may sumusunod."

Sumusunod? Hindi kaya, iyong mga lalaking sumusunod sa akin noong nakaraan ang sumusunod ngayon kay Eve?

Hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng takot at kaba. Paano kung siya ang isunod ng mga iyon kay Kristoff? Damn. Nakatatakot na talaga sa eskwelahan na 'to! Hanggang kailan pa ba kami magtatagal dito? Gusto ko na lumabas! Gusto ko na makita ang pamilya ko. Gusto kong makaalis kami rito na hindi na mababawasan pa.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now