Chapter 24: Saved

14 0 0
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang Hunting Day. Okay na rin kami ni Mila, nalaman din ng iba naming mga kaibigan ang tungkol doon. Ang iba ay naging proud dahil marunong na raw ako lumaban. Ang iba naman ay hindi makapaniwala na nagawa ko iyon at sa mga nagbigay ng reaksyon, si Charlotte ang pinaka panget. Umirap ba naman sa'kin.

"Ugh, gusto ko na umuwi," maktol ni Sam habang pinapadyak pa ang paa sa damuhan.

Bumaling naman sa kaniya si Mila. "Wow, ha? Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan?"

Ito na na naman sila. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Bakit masama ba?" tinaasan ni Sam ng kilay si Mila.

Tumaas din ang kilay ni Mila. "Masama talaga kapag sa'yo nanggaling!"

"Tama na nga 'yan," awat ko. "Lagi na lang kayo nagtatalo."

"Si Mila ang sisihin mo, Alysson, lagi may side comment." umirap si Sam.

"E'di h'wag ka kasing magsalita para walang side comment!" sabat na naman ni Mila.

Napapikit ako ng mariin bago tumayo. "Alam niyo bahala kayong dalawa. Riyan na nga kayo!"

Iniwan ko sila ro'n at habang palayo ako ay rinig ko pa rin ang sabatan nilang dalawa. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang dalawang 'yon. Sa totoo lang, sila ang pinakamalapit sa isa't-isa sa'min noon pero simula nang makapasok kami rito ay nagbago na. Sila na ngayon ang laging magkaaway at naging mainitin masyado ang ulo ni Mila, hindi naman siya dati gano'n.

"Hey."

Ngulat ako nang makita si Zsaris. "Hi." bati ko rin sa kaniya at ngumiti.

"Saan lakad mo?" tanong niya. Lumapit siya sa'kin at sinabayan ako maglakad.

"Sa office nga sana, e kaso baka hindi pa rin ako pwede roon." napanguso ako.

Wala na ako ibang mapuntahan. Ayoko naman magkulong lang sa dorm. Ayoko rin manatili ro'n kasama sina Sam at Mila dahil lagi silang nagsasagutan. Wala naman kasing pasok kaya walang magawa. Ayaw naman ako papuntahin sa Student Council's Office, hindi ko alam kung bakit. Dalawang linggo na rin magmula nang huli kong punta roon.

Tumawa si Zsaris. "May ginawa ka atang kasalanan, e." biro niya.

Napaisip naman ako.

Wala naman akong ginawa, ah? Mayro'n ba? Huling kita ko nga rin kay Commander ay noong dalawang linggo pa. Noong nasa infirmary sila nila Justine kahit wala namang may injured sa kanila.

"Wala 'no." tumawa rin ako.

"Kain tayo?" aya niya.

Nilingon ko siya, ngumiti ako sabay tumango. Libre naman ang pagkain kaya anytime ay pwede kaming kumain sa cafeteria.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now