Epilogue

31 1 0
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

"Kyah! Marunong ka ba talaga mag volleyball?! Ayusin mo naman ang pagtira mo!"

"Oo! Ikaw nga ata ang hindi, kahit isa ay hindi mo pa nasalo ang bola!"

"Ayoko na maglaro! Nakakainis ka!"

"Hey~"

Natawa na lamang ako sa pagtatalo nina Mila at Megi habang kumakain ng barbeque.

Nasa beach kami ngayon at ine-enjoy ang bakasyon dahil ilang araw na lang ay magpapasukan na ulit.

Ilang taon na ang lumipas matapos kaming makalaya mula sa mala-impyernong eskwelahan na iyon at sa darating na pasukan ay mag-4th year college na kami.

Pag-uwi namin galing sa Lost School ay nakaabang ang mga magulang namin, reporters, at mga pulis sa bahay at doon sinalubong kami ng malulugod na yakap ng aming mga magulang. Makalipas ang ilaw araw ay narinig ko sa'ming mga kapitbahay na nabalita raw kami sa telebisyon na missing matapos ang 24 hours na hindi kami umuwi sa aming mga bahay, at doon ko lamang naalala na hindi nga pala kami nagpaalam na mawawala kami ng matagal dahil balak lang sana namin na mag-enroll sa Lost School na iyon, ngunit hindi namin inakala na magtatagal kami roon ng ilang buwan.

Tapos na lahat, nakalaya na kami ngunit ang bangungot na dinanas namin doon dati ay binabalik-balikan pa rin kami sa pagtulog. Parang ipinapahiwatig no'n na hindi pa tapos ang lahat. Madalas ko rin makita ang mukha ni Victor sa panaginip ko na galit na galit dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa't anak. Pero dahil sa mga kaibigan ko ay agad ko ring nalilimutan iyon.

Hindi nawala ang koneksyon naming lahat sa isa't-isa. Kahit na ang iba sa'min ay nag-ibang bansa para makalimot ay hindi pa rin kami nawalan ng contact sa kanila. Minsan ay nag-v-video call kami para makita ang isa't-isa at magkamustahan. Samantala, ang iba sa'min ay nanatiling pa ring magkakasama, at narito sa bansa.

"Tangina, pre! Alam mo ba, may nakita akong babae ro'n sa may kubo. Ang sexy tapos pota! Pagkaharap niya parang gusto ko na lang masuka! Tangina, ang pangit!"

"BWAHAHA! Gago! Ang sama ng ugali mo, ha!"

"Tsk, tsk, tsk... Baka ang tingin mo niyan, nanlalait ako? Nagkakamali ka riyan, dini-describe ko lang ang nakita ko. Gusto mo samahan pa kita ro'n para malaman mo kung nagsasabi ako ng totoo o hindi."

"Oh, tara!"

Napa-iling na lamang ako kay Gab at Kristoff. Ngunit hindi ko rin naiwasan na hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang likod nila habang naglalakad papalayo. Maayos na ang kalagayan nila ngayon. Noong unang araw na magising sila mula sa matagal na pagkakahimbing ay nahirapan sila sa pagsasalita at pagkilos. Pero tingnan mo naman ngayon, puro pagmumura na ang maririnig mo mula sa mga labi nila. Nakakikilos na rin sila ng maayos, nakagagawa na nga sila ng mga katarantaduhan ulit.

Masaya ako na maayos na sila, at masaya rin ako dahil tanggap na ni Megi ang pagkawala ng kambal niya. Ngunit grabe niya lang sisihin ang sarili niya sa pagkawala ng kambal niya. Noong makita ko siyang yakapin ng mga magulang niya ay hindi ko napigilan ang pag-iyak no'n. Wala siyang tigil sa paghingi ng tawad at paulit-ulit na sinasabi na siya ang dahilan kung bakit nawala ang kambal niya, pero ngayon ay maayos na siya. Lagi niyang pinupuntahan si Megan sa ginawa nilang libingan tuwing kaarawan nila, araw ng pagkamatay ni Megan at sa araw ng mga patay, at kasama niya lagi sa pagpunta ro'n si Mila.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now