Chapter 38: Party [1]

6 0 0
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

"Ladies and gentlemen, before we start let's toast! Everyone should drink, kapag nalaman kong may isa sa inyo na hindi umimom ay ipapapatay ko." ngumiti siya. "Got it? So, now. Put your glass into the air and let's cheers in the count of three! One... Two... Three!" Kasabay ng pagkasigaw no'n ni Victor ay ang pagtaob ng lamesa namin.

Nanlalaki ang mga mata namin sa gulat nang lingunin si Eve. She just smiled at us before closing her eyes again. Tinaob niya ang table para sa'min?

"Fuck," halos maiyak na mura ni Sam.

Agad akong lumapit kay Eve at tinapik ang pisngi niya ng limang beses upang gisingin siya. Damn, mukhang tuluyan na siyang nawalan ng malay.

"Hey, there!" Sigaw ni Victor, dahilan para mapalingon ako sa stage. Nakita ko siyang nakaturo sa gawi namin habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay.

"We're safe now, right?" Mila mumbled.

"Sinadya niyo bang itumba ang table?" Tanong ni Victor.

Agad na umiling kaming apat; Ako, Mila,  Ice at Sam.

"No! Natumba lang 'yan ng kusa, wala kaming ginawa!" Depensa ni Ice.

"Oh, really?" A smirk curved on Victor's lips. "Ano ang akala niyo sa'kin, tanga? Ikulong ang mga 'yan!" Pagkasabi no'n ni Victor ay may mga nagsilapit sa'ming mga lalaking malalaki ang katawan.

"Fuck, what's happening?" Napahawak sa ulo si Sam habang naglilinga-linga sa paligid.

Saktong paghawak ng mga lalaki sa braso namin ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Yuan.

"What are you doing!? Hindi ba't sinabi na nila na hindi nila 'yun sinadya? Bakit kailangan niyo silang paalisin dito?" Ani Yuan. Nakatayo siya at nakatingin kay Victor na nasa stage.

"Paano mo naman nasabing hindi nila 'yun sinadya?" Victor scoffed. "Ikulong niyo na ang mga 'yan."

"No! Don't touch me!" Nagpupumilit kumawala si Sam ngunit hindi siya makaalis sa kamay ng dalawang lalaking nakahawak sa kaniya.

"What did you put in our drinks?!" Sigaw ko. "Bakit bigla na lamang nawalan ng malay ang kaibigan namin? Gusto niyo ba kaming lasuning lahat?!"

Pagtapos ko sabihin 'yun ay ginala ko ang mga mata ko sa bawat table. Halos lahat sa kanila ay gulat sa sinabi ko. May iba pa akong nakita na sumusuka at umuubo ng dugo habang ang mga katabi naman nila ay nakadalo sa kanila. Ang iba naman ay maayos. Sa table ng mga lalaki, nakita ko ang panghihina ni Zsaris, Megi at Anthony. Damn, nainom din ba nila 'yung may drugs?

Tumawa ng malakas si Victor. "Are you suspecting us?"

"Sabihin mo sa'kin kung bakit may mga umuubo at sumusuka na ng dugo ngayon kung wala kayong nilagay sa inumin namin! You fucking crazy, old man!" Muli kong sigaw.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now