Chapter 22: White Scroll

16 2 0
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

Pumasok muna kami sa klase bago kami muling magtipon-tipon sa Land of Port. Agad hinanap ng mga mata ko sina Mila at Zayn, mabuti na lamang ay nakita ko sila agad. Magkasama na kaming tatlo habang naghihintay ng announcement ng emcee. It's already 6:56 PM, ang sabi ang start daw ng hunting is 7 PM, baka maya-maya lang ay aakyat na rin ang emcee sa stage.

Hindi naman ako nagkamali nang may umakyat na nga'ng babae sa stage. May hawak itong mic, habang ang suot niyang damit ay all back. From t-shirt to her pants and shoes.

"Each group, please proceed to the woods, the game will start once you hear the bell," matapos sabihin yo'n ay bumaba na siya.

Nagsipuntahan na rin sa woods ang iba. Isipin mo yo'n mayroon pa talaga no'n dito, sobrang lawak talaga nitong eskwelahan.

"Let's go?"

Tumango kaming dalawa ni Mila kay Zayn at nagsimula ng maglakad. Ang color ng scroll namin is black, kailangan namin makakuha ng white scroll. Wala naman kaming specific na target. What we have to do is to get the opposite color of what we have.

"So..." in-open ni Mila ang kaniyang flashlight. "Saan tayo mag-uumpisa?"

Nagkalat na ang iba't-ibang grupo. Sigurado akong nagtatago na ang iba. Sigurado rin akong malawak itong woods kaya may mapupuntahan kaming place rito kung saan pwede kaming mag-abang ng ibang grupo para huntingin.

Nilabas ko rin ang aking flashlight at sinindihan ito, gano'n din ang ginawa ni Zayn. May dala kami sari-sariling bag para sa aming weapons. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Paano na lang kung maunahan kami? Tapos kapag hindi namin binigay ang scroll, baka patayin kami.

Ipinilig ko ang aking ulo. No. Lalaban kami kaya hindi kami mamamatay. Not in this school.

"I think we should hide first," Zayn suggested.

I nodded. "Sa maraming damo?"

"No! Mangangati ako. Sa iba na lang," maarteng tugon ni Mila.

"Uunahin mo pa ba 'yang kaartehan mo bago ang buhay mo?" si Zayn.

Mila clicked her tongue. "Fine."

Nagtungo kami sa madamong bahagi at doon nagtago. May parte naman dito na walang damo ngunit dito namin naisip para makapagtago kami at makita kung may paparating.

"Wala kayang ahas dito?" tanong ni Mila.

"Shh..." saway ni Zayn.

Nakasilip siya kaya sumilip din ako. May mga paparating na tatlong tao. Malamang iisang grupo lang sila. Tatlong lalaki, may bag din silang sari-sarili. Naglinga-linga sila sa paligid bago maglakad muli. Nakahinga ako ng malalim nang makaalis na sila. Ngunit maya-maya lang ay may sumunod na isang grupo, dalawang lalaki at isang babae. Katulad ng nauna, naglinga-linga muna sila.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now