Chapter 5: Ivory

99 53 56
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang pagtangka naming pagtakas na hindi rin naman namin na pagtagumpayan. Maliban sa mga nakapulang sampo na dumating, wala ring daan palabas.

Paano kami nakapasok kung walang gate roon? At paano kami makalalabas? Damn this school.

Narito kami ngayon sa cafeteria at sabay-sabay na kumakain. Naging okay naman na si Megi dahil tinutulungan din siya ng mga lalaki na makarecover agad sa nangyari. Kahit okay na siya, hindi na siya tulad ng dati na nakikipagbiruan kay Gab. Remember the night na sinundo nila kami? Hindi na gano'ng tao ngayon si Megi. Hindi ko rin naman siya masisisi, dahil kung ako rin ang napunta sa katayuan niya ngayon, baka mas malala pa ang mangyayari, 'di na ako makakausap.

"Hindi na ba talaga tayo makalalabas dito?" panimulang tanong ni Sam sabay subo sa tinapay na hawak niya.

"Ikaw ang nagdala sa 'min dito 'di ba?" mataray na tugon ni Mila. Ito na naman sila.

"Mag-aaway na naman ba kayo?" singit ni Kristoff na ikinatahimik ng dalawa. Wala ng kumibo pa sa kanila at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Makalalabas pa ba kami rito? Gusto ko na umalis dito. Baka kapag lalo pa kaming nagtagal dito, ako na ang susunod na mamamatay. Wala pa naman akong alam sa paggamit ng iba't-ibang patalim lalo na sa paggamit ng baril. Hindi pa nga ako nakahawak no'n e, kaya paano ko malalaman kung paano mag assemble no'n?

"Gusto ko na umalis dito," nabulalas ko na lamang kaya nasa akin na ang atensyon nila.

"Don't worry, I'll find a way to escape here," ani Yuan na kinangiti ko. Ngumiti rin naman siya sa akin.

Para kaming preso sa eskwelahan na ito at hinahayaan na magpatayan. Sino ba ang may gawa ng eskwelahan na ito? Sino ang namumuno? Ang dalawa bang baliw na mag-asawa?

Matapos kaming magngitian ni Yuan, napadako ang paningin ko kay Charlotte na hindi ko ma explain kung paano niya ako titigan. Ang higpit din ng hawak niya sa kutsara niya. May nagawa ba ako? Galit ba siya sa 'kin?

"C-Charlotte, may problema ba?" nauutal na tanong ko.

Mukha naman itong binuhusan ng malamig na tubig dahil biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Nakangiti na siya sa 'kin ngayon at hindi na rin gano'n katigas ang hawak niya sa kaniyang kutsara.

"Wala," maikling sagot niya na hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi. Ngiting creepy.

Nilingon niya si Yuan na kaniyang katabi. Nakatingin lang din sa kaniya si Yuan. Nag ngitian sila, matapos no'n ay sumulyap muna sa akin si Charlotte bago sumubo sa pagkain niya. Bakit hindi maganda ang kutob ko sa babaeng ito? Parang hate na hate niya ako.

"Alysson, hindi ka pa ba kakain?" nakuha ni Ivory ang atensyon ko at doon ko lang napansin na natulala na pala ako kay Charlotte dahil sa kaiisip.

Nginitian ko lamang si Ivory saka ipinagpatuloy ang pagkain. Kumain na rin naman siya, naging tahimik lang ang hapag hanggang sa matapos na kami lahat kumain.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now