Chapter 33: History [1]

7 0 0
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

"Hmm... ang sabi rito, mag-asawang scientists daw sina Victor at Betty. May gusto raw silang maabot pero hindi alam nu'ng nagsulat ng libro kung ano 'yon," sabi ni Eve.

"Ano naman kaya 'yun?" Tanong ko na nakapagpaisip din sa iba ko pang mga kasama.

"Mayro'n pang sinabi," patuloy ni Eve. "Hindi raw pumayag ang mga founders ng school sa gustong mangyari ng mag-asawang Chua. Pagtapos daw ng pagtatalo nila naging tahimik ang bawat panig ng kalahating taon hanggang sa may biglang pagsabog sa school ang naganap at hinihinala ng lahat na ang mag-asawang Chua ang may pakana no'n."

"Gosh, scary!" Tili ni Ice at niyakap ang sarili niya.

"Then?" Tanong naman ni Mila.

"Uhm..." Muling binalik ni Eve ang mata niya sa libro, "Dahil sa pagsabog na nangyari, maraming namatay at unti lamang ang mga nakaligtas. Kasama sa mga survivors ang founders ng school. Matapos nu'n pansamantalang pinasarado ang Ravenwood University para ayusin ang mga building na nasira. At nang muli itong buksan isang linggo lamang ang lumipas ay may nangyari na naman. May nangyaring patayan mula sa limang estudyante, namumula ang mga mata nila na parang naka-drugs. Lahat ng nag-bantang pumigil sa kanila ay nasaksak. Mayro'n ding mga estudyante ang bigla na lamang tatalon sa rooftop, mayro'n pang mga students na parang nasiraan ng bait. Ang nakababahala pa rito, lahat sila ay kasapi ng science lab na pinamumunuan nina Betty and Victor Chua," pagbasa ni Eve sa nilalaman ng libro na hawak niya.

"That's so..." hindi na maituloy pa ni Zsaris ang sasabihin dahil sa pagkawindang.

"Hindi kaya ginawang test subjects ang mga estudyante na 'yun?" Ani Jameson, na mukhang hindi sigurado sa sinabi niya.

"Hindi malayong mangyari dahil scientists ang dalawa, tapos lahat pa ng mga 'yun ay kasapi sa science lab," tugon naman ni France.

Damn. Grabe ang pinagdaanan ng eskwelahan, hindi lang 'yun pati na rin ng mga estudyante. Sobrang demonyo naman pala talaga ng mag asawang Chua, pati ang mga inosenteng mga estudyante ay dinamay nila para sa sarili nilang ambisyon. Pero ang pinaka hindi ako makapaniwala ay ang marinig ang pangalan ng mga magulang ko, na malaman na nagtayo pala sila ng eskwelahan at naging ka-partner pa nila ang mga magulang ni Commander.

Hindi naman siguro ako napunta rito dahil sa gusto nila Mommy, hindi ba? Saka si Sam ang nakapulot ng mapa papunta rito, siya rin ang nag-aya sa'min kaya kami napadpad dito.

"So, what's next?" Tanong ni Charlotte.

Binalik ni Eve ang mata niya sa libro at muling nagbasa. "Matapos ang trahedya na nangyari, minabuti ng mga founders na ipasara na lamang ang eskwelahan. Nabalita sa media ang nangyari at dahil do'n ay inabando na ito."

"Baka naisip nila na wala ng mag-eenroll sa eskwelahan na 'yun matapos ang nangyari," saad ni Yael.

Tumango naman si Eve at nagbasa ulit, "Ang dating sikat at mala-harden ng Eden ay naging isang madilim at nakadidiring eskwelahan. Ang paligid na puno ng mga magagandang bulaklak at matatayog na puno, ay pinalitan ng nagtataasan na damo at mga nakatatakot na puno. Ang lugar kung saan mismo nakatayo ang Ravenwood University ay hindi na dinaanan pa ng mga tao hanggang sa tuluyan nang malimot ang eskwelahan at ang mga nangyari sa loob nito."

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now