Chapter 40: Dark Secret

11 0 0
                                    

YUAN

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

YUAN

Pagkarating sa infirmary ay agad naming pinahiga sa higaan ang mga karga namin. Agad naman na dumalo sa'min ang nurse, hindi siya mag-isa may kasama pa siyang tatlo. May tinurok sila sa ugat sa forearm nila Anthony. Maya-maya lang ay isa-isa silang umubo ng dugo na agad naman nilinis ng mga nurse. Nanginig ang mga katawan nila at tumitirik ang kanilang mga mata. Magrereklamo na sana ako nang bigla akong pigilan ni Justine.

"The fuck, bro? Get off me. Sigurado ka bang kakampi natin ang mga 'yan? Baka mamaya mas lalo lang nilang pinapatay ang mga kaibigan ko," ani ko.

"Sa tingin mo papayagan naming mamatay din ang kapatid ni Yael?" He heaved a sigh and took back his hand from me. "Just calm down. Everything will be alright," he added.

I just frowned and didn't talk back. Lumingon ako ulit kila Anthony na nakahiga pa rin at patuloy lang sa pagtirik ang mga mata nila. Maya-maya pa ay may tinurok ulit ang mga nurse sa kanila na nakapag pakalma sa kanila. Napansin ko rin ang kalmadong pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Ano? Maayos kana?" Tanong ni Justine na ni-pat pa ang balikat.

"Tsk!" wala na akong nasabi pa. Fine. I'm just a little nervous a while ago.

Lumingon ako sa paligid habang hinahanap si Fret. Nakaupo siya sa isa sa mga higaan habang katabi sina David at Zayn. Naglakad ako palapit sa kanila kasama si Justine.

"Fret," tawag ko rito. Lumingon naman siya sa'kin agad. "Ano ang ibig mong sabihin kanina na hindi pa namin talaga totoong kilala si Commander?"

"Oh..." He scratched his head and looked at Justine.

"Why? What happened?" Justine asked.

"Nasa stage si Commander at may walong armadong lalaki na nakapalibot sa kaniya," sagot ni Zayn. "Oo nga pala, hindi ba dapat naro'n ka ngayon para tulungan siya?"

"Me?!" Tinuro ni Justine ang sarili at mukhang gulat pa sa sinabi ni Zayn. Tumawa siya at umiling. "Kahit pumunta ako ro'n ay wala pa rin akong maitutulong."

"So, hahayaan mo na lang mamatay ang lider mo ro'n?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

He sighed. "Alright, let me provide you with some information about him so that you understand what I meant by what I said."

ALYSSON

"It's not a doll, it's a human," he muttered.

Pagkatapos marinig ang sinabi ni Kuya Ky ay otomatikong lumingon ang ulo ko sa pinanggalingan namin, kung saan may nakita kaming pamilyar na mukha.

"Then..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang magpasya na akong bumalik kung saan kami nang galing upang kumpirmahin kung tama nga ba ang hinala ko.

There's No Way Out (TLS Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz