Chapter 2: 7:46 PM

121 68 84
                                    

ALYSSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYSSON

"Damn. Kailangan na natin makalabas dito sa madaling panahon bago pa tayo mabawasan," suhestiyon ni Ivory.

Narito na kami sa dorm, pinahatid kami no'ng baliw na babae at lalaki sa hindi namin kakilala pero may dala silang malaking baril. Hindi ako maalam sa iba't-ibang klase ng baril kaya hindi ko alam kung anong uri ng baril ang dala nila.

Nasa ibang building ang mga boys kaya hindi namin sila kasama ngayon. Hiwalay naman kasi talaga ang dorm ng lalaki at sa dorm ng babae. Nagsisi-iyakan na sina Eve, Megan, Sam at Mila. Naaawa ako sa kanila, pati sa sarili ko. Kung alam lang namin na ganito ang papasukan namin, sana hindi na kami tumuloy.

"Wala nga raw daan palabas dito," ani naman ni Charlotte.

Pito kaming magkakasama sa iisang dorm, kasya naman kami dahil malaki ito. May tatlong kwarto at may tig dadalawang kama sa bawat kwarto. Magkasama sa iisang kwarto sina Megan, Ice at Eve, si Charlotte at Ivory tapos kaming dalawa naman sa iisang kwarto nina Mila at Sam.

Sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi na rin ako makapag isip ng matino, feeling ko mababaliw na ako. Damn, I want to get out of here.

"Tanga ka ba, Charlotte? May daan papasok kaya may daan palabas," saad ni Ivory.

Mag-aaway ba sila? Ang gulo na nga ng sitwasyon mag-aaway pa sila?

"H'wag mo ako sabihan ng tanga, Ivory!" sagot ni Charlotte.

Bago pa magsabunutan ang dalawang 'to, tumayo na ako at pumagitna sa kanila. "Nag-iiyakan na ang iba, nagagawa niyo pa ring mag-away? Lahat tayo gusto makalabas dito, kaya hindi dapat tayo nag-aaway kailangan natin magtulungan."

Tumahimik sila, pati ang iyakan sa isang sofa ay nawala na rin.

"How can we get out of here? We don't know the way out," Mila said while wiping her tears.

"And I'm sure, bago pa natin mahanap ang daan, ubos na tayo," ani Charlotte.

Bakit ba ang negative ng isip nito ni Charlotte? Hays.

Kailangan namin makipagtulungan sa mga lalaki naming kasama, alam ko naman na gusto rin nilang lumabas. Paano kaya kung makipagtulungan rin kami sa ibang estudyante rito? Pero paano kung ayaw nila tapos patayin kami? Fuck, 'di bale na. Kami-kami na lang.

"Sam, this is your fault! Sana hindi mo na lang kami sinama sa kagustuhan mong mag adventure!" nakatayo na ngayon si Mila at nakaharap kay Sam. Ito nanaman siya, sisisihin na naman si Sam.

"Mila, don't take the blame on her, ginusto rin naman natin sumama," sabi ko at pumagitna sa dalawa. Nanatiling naka-upo at nakayuko lamang si Sam, samantalang si Mila ay galit na galit na ang mga mata.

"Dahil pinilit niya tayo, Alysson!" tugon niya. Napapikit na lang ako ng mariin.

Damn, nagkakagulo na kami ngayon at baka sa susunod kami-kami na rin ang magpapatayan. Fuck. No. Kailangan na namin makalabas.

There's No Way Out (TLS Book 1)Where stories live. Discover now