Chapter 29: Killing Day [3]

7 1 0
                                    

ALYSSON

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

ALYSSON

Sa huli, pinili pa rin namin na lumabas kung saan kami nanggaling kanina: kung saan namin nakita si Noella. Pagkalabas namin ay nakahinga kami ng maluwag nang hindi namin makita ro'n si Noella.

"Let's go," saad ko at mauuna na sana maglakad nang pigilan ako ni Yuan.

"Saan tayo pupunta? May place ka ba na alam na pwedeng puntahan ni Ice?" Tanong niya.

"I-I don't know," sagot ko. "Balak ko lang puntahan ang mga nadaanan namin papunta sa cafeteria."

"What?" Napasapo si Zsaris sa kaniyang ulo, malamang dahil 'yon sa sinagot ko. "Hindi pwedeng gumala-gala lang tayo, paano kung may makakita ulit sa'tin?"

Tumango naman si Zayn. "Zsaris' right. Wala ka bang naiisip na iba? Dahil kung dadaan tayo sa dinaanan niyo kanina, malaki talaga ang posibilidad na may makakita sa'tin. Paano na lang kung baril ang dala no'n? Mamamatay tayo agad," pahayag ni Zayn.

Napayuko ako. Dapat nga siguro ay hindi na ako sumama, naging pabigat pa tuloy ako sa kanila. I'm useless. Ghad, kung wala lang naman pala akong maitutulong bakit pa ako sumama? Sana hindi na ako nagpumilit pa at naghintay na lang din sa dorm kung alam ko lang na wala lang akong silbi rito.

"Alysson, are you okay?" Hinawakan ni Yuan ang braso ko at inangat niya ang ulo ko para makita ang mukha ko.

"I'm okay," sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya. "Sorry kung hindi ako nag isip bago kumilos. Gusto ko lang naman mahanap agad si Ice."

"Hey, h'wag mo masyadong isipin 'yon, kailangan lang talaga natin mag-ingat if you really want to find Ice," usal ni Zayn.

Tumango ako. "Yeah, sorry."

"So, ano na ang plano?" Tanong ni Zsaris.

Muli muna kaming nagtago sa likod ng basurahan at doon nag-usap kung ano ang gagawin. Napagpasyahan namin na silipin muna at siguraduhin na walang tao sa matataas na lugar, gaya ng rooftop. Para makasigurado na walang babaril sa'min habang kami ay naglalakad. Napagpasyahan din namin na walang lalayo sa kahit isa sa'min para masiguro ang safety ng lahat. Dahil kung may isang lalayo sa'min mas lalo lang madadagdagan ang pag-aalala namin.

Ang unang lumabas mula sa pinagtataguan namin ay sina Zsaris at Zayn para silipin kung may tao sa rooftop. Nang masiguro nila na walang tao ro'n ay sumipol sila, sign na pwede na kaming lumabas ni Yuan. Tumabi kami kina Zsaris at Zayn na nagtatago sa likod ng wall. Nasa lead namin ngayon si Yuan, sunod ako na hawak ang kamay ni Yuan, sa tabi ko ay si Zsaris at nasa hulihan naman si Zayn na nagsisilbing look out para sa likod namin. Para kung sakali na may biglang sumulpot sa likuran namin ay malalaman namin agad. Si Zsaris at ako naman ay ang taga tingin sa paligid. Si Yuan naman ang mag lilead sa daraanan namin.

Magsisimula na sana kaming maglakad nang bigla may nahulog mula sa rooftop. Parang damit 'yon, hindi ako sigurado dahil hindi ko iyon masyadong na pagmasdan dahil sa bilis ng pagkahulog. Ngunit nanlaki ang mata ko at napabitaw ako sa kamay ni Yuan para takpan ang bibig ko nang makita kong may umagos na dugo mula sa nahulog na damit.

There's No Way Out (TLS Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ