Chapter 39: The Underground Mystery

8 1 0
                                    

YUAN

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

YUAN

"Shit, ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Zayn habang sinusundan ng tingin ang mga naglalakihang lalaki na pilit hinihila sila Alysson.

"I-I don't know." I shook my head. My hands were trembling in nervousness.

"Umupo ka nga muna." hinila ni Zayn pababa ang kamay ko dahilan para mapaupo ako.

Nagsimula ulit magsalita si Victor sa stage  nang magsimulang magsigawan at magreklamo ang mga ibang estudyante, dahil sa sinabi ni Alysson kanina.

"Shit. Shit. Shit." nasabunutan ko na lamang ang aking buhok dahil hindi ko na alam ang gagawin.

Gusto ko pa sana tanungin sila Alysson kung bakit hindi nila kasama si Charlotte. Napansin ko kasing hindi nila kasama si Charlotte kanina sa upuan nila. Pero paano ko sila matatanong kung pati sila ay nawala? Ang naiwan lang sa table nila ay si Eve na walang malay.

Nilingon ko ang tatlong lalaki na kasama namin ni Zayn. Wala na ring malay ang mga ito.

Hindi ito ang ni-plano namin. Kung alam ko lang na hindi aayon sa'min ang plano at kung alam ko lang na may mapapahamak sa'min, hindi na sana ako naki-anib pa. Haa, damn it.

"Kailangan natin ng antidote," ani Zayn. "Kailangan na natin kumilos, Yuan. Kung hindi tayo magmamadali, maaaring hindi na natin mailigtas pa ang mga lalaking 'to at pati na rin si Eve," dagdag pa niya.

Humugot ako ng malalim na hininga saka sinampal ang sariling pisngi.

"Nakita mo ba sila Commander?" Tanong ko.

Ginala ko ang aking mata sa paligid upang hanapin si Commander ngunit hirap akong mahanap siya. Hindi dahil sa madilim, kun'di sa rami ng tao na nagkakagulo.

"Isa pa 'yon! Kanina ko pa 'yon hinahanap pero hindi ko man lang siya nakita. Nasaan na ba ang Commander na 'yon? Siya ang nagsali sa'tin sa plano-plano na 'to tapos ngayong kailangan siya ay wala siya!" Reklamo ni Zayn. Sinipa niya pa ang lamesa dahil sa inis.

Akmang magsasalita na ako nang mapansin ko ang lalaking nasa likod ni Zayn. Nakaitim ito at tulad ng lahat ay naka-suot din siya ng domino mask. Maya-maya ay umabante ito at naglakad sa gilid ni Zayn, pag-alis niya ay may napansin akong maliit na papel sa lamesa.

"Is this from you?" I asked Zayn as I picked the folded paper.

"No. Saan nanggaling 'yan?" Tanong niya na hindi ko na nasagot pa dahil nagsimula na akong buklatin ang nakatiklop na papel.

"Go find the antidote. I'll go to Alysson and the others," sabi ng sulat.

Who... Who gave this?

Tumayo ako at hinanap sa mga tao ang lalaking dumaan kanina rito. Sigurado akong siya ang nagbigay nito, dahil wala namang papel sa lamesa bago pa siya dumaan.

There's No Way Out (TLS Book 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum