Chapter 11

1.3K 69 26
                                    

“Sobrang galing nyo kahapon!”

Sigaw ni Naih sa apat. Kaya ang mga mokong nagyayabang sa amin.

“Kami paba? Saan na kiss ko?” Pang-aasar naman ni Lander kay Naih. Umirap lang si Naih then nagsimula na kami mag-ligpit ng mga gamit para mag-lunch na sa labas.

Kanina hinatid ulit ako ni Nick, nako-konsensya na ako kasi pag nalaman ni Kael na araw-araw niya yun ginagawa, baka magalit siya at siguradong hindi niya magugustuhan.

Habang umo-order ang guys, kinausap ako nila Cassy.

“Girl, yung set-up nyo ni Nick, I think dapat mo na tapusin. You know Kael, baka magselos siya pag nalaman niya.” Sambit ni Cassy.

“True. Kung magselos nga yun sa bandmates niya kay Nick pa kaya?” Sabi naman ni Zades.

“Nagkita na si Nick at Kael, pinuntahan niya kasi ako nung may event sa school. And nahalata ko na hindi nga nagustuhan ni Kael yung pagsundo sa akin ni Nick, nagpalusot lang ako nun.” I told to them.

“Oh diba! Paano pa kaya kung everyday? Sabay umuwi sabay pumasok.” Saad naman ni Naih. Nanahimik kami agad nung dumating na sila.

“Nanahimik kayo bigla, pinag-uusapan nyo kami noh?” Bungad sa amin ni Zico.

“Mga assuming.” Umirap nalang si Cassy.

“Hatid kita mamaya sa inyo Sette, sabay tayo umuwi.” Kael said.

Nanlamig ako sa sinabi niya, What if malaman nya na sabay kami ni Nick umuwi?

“No need, may driver naman ako na naghihintay sa akin eh. Wag kana gumastos.” Kinakabahan na sabi ko.
Napatingin sa akin si Kael at pinaghanda nalang ako ng pagkain. He even open my mineral water, pinaghimay nya ako ng ulam. Sobrang caring nito. How can I live without you Kael? Nasasanay na ako.

Bumalik na kami sa school, ngayon ang  labanan ng mga courses para sa event namin for sports. And part pala si Kael ng basketball team, ako naman sa volleyball. Nagtry lang since yung huling laro ko nung freshman pa ako.

Pumunta kaming gym at naabutan namin doon sila Kael, na nagstretching na. Sobrang gwapo nya sa jersey na suot nya. Valdez, 11. His birthday is September 21. And mine is February 11, our anniversary is on July 03. So that means, yung number sa jersey niya ay birthday ko? I don't want to assume but yun talaga pumasok sa utak ko.

Napalingon si Kael sa direksyon namin at kumunot ang noo niya sa suot ko. Lumapit siya sa akin.

“Bakit sobrang ikli ng shorts mo?” Sobrang kunot ang mga mata niya. Nilibot niya din ang kanyang mata at mukhang inaalam kung sinong tumitingin sa akin.

“This is our uniform.” Pumikit siya at nakahawak sa baywang niya, his muscles flex. I can't help but to examine his face, his long eyelashes, thick eyebrows his red lips and pointed nose.

“I know, bakit kasi ang ikli?” Umiling iling siya na parang hindi matanggap na ganun na talaga ang susuotin namin. Tinawag na siya ng coach nila then he kisses my forehead.

“I gotta go baby.” Tumakbo na siya pabalik sa team niya, then narinig ko ang hiyawan ang mga teammates niya.

Nag-start na din kami makipa-laban sa ibang courses. Then ako na yung magsa-spike. Naghiyawan ang mga students.

“Go Santos! I love you!” Sigaw ng ilang mga lalaki.

“Go Santos! Ang ganda mo!” Sigaw din ng iba. Napatingin ako sa mga tao at ngumiti nalang. Mukhang maganda ang performance ko ngayon, I'm not that sporty. Sumali lang ako for experience, wala akong balak sumali sa official varsity ng school.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now