Chapter 16

1.2K 67 51
                                    

“Wait for the announcement of the results of your finals.”


Nagsi-tayuan na kami para mag ligpit ng mga gamit, nag-exam ako na halos walang na-review. Kinabahan ako sa magiging scores ko ngayong finals, ilalaan nalang namin ang ilang days dito sa school to complete some requirements.

“Halika sabay-sabay tayo mag-lunch.” Yaya ni Naih. Andun na ang boys sa karinderya ng makarating kami doon. Tumabi ako kay Kael, okay na kami kagabi. He chose to trust me, pero sana tumigil na si Mom sa paghihiwalay sa aming dalawa dahil hindi 'ko yun magagawa.

“Here, kumain ka ng marami.” Nilagyan nya ako ng mga pagkain sa harapan ko.

“Sana all.” Pang-aasar ni Cassy kaya sinubuan siya ni Zico para manahimik siya. Nagtawanan nalang kami sa ginawa nila.

Nagulat ako ng may tumawag sa akin bago ako makapasok sa susunod 'kong klase.

“Hello?” I said.

“Cose, It's Kuya. Kamusta?” He asked.

“Kuya, nagpalit ka ng number? I'm fine, ikaw ba?” Nagulat ako dahil napatawag siya using different number pa.

“Ayos lang ako, pero umalis ako sa bahay. Hindi kami okay ni Mom, aantayin kita mamaya sa labas ng gate nyo. Mag-usap tayo.”

“Sige kuya.” Nagpaalam na ako sa kanya dahil may susunod pa akong klase. Mukhang may hindi magandang nangyari sa bahay.

Pag-dismiss ng klase, nagpaalam ako kay Kael na kikitain ko si Kuya, ang sabi ko sa kanya mauna na siya dahil may gig pa siya mamaya sa bar.

“Kuya, is there something wrong?” I asked him. Andito kami ngayon sa malapit na coffee shop para makabalik agad ako sa school para sa sundo ko.

“Nagka-sagutan kami ni Mom. About sa farm, nagulat ako nang tinanggal nya pala ang mga Valdez. Matagal nang nagta-trabaho ang pamilya nila sa atin, tapos because you're having an affair with their son tatanggalin na nila?” Halos mapaluha ako sa sinabi ni Kuya Chase, finally mayroon sa pamilya namin ang nakaka-intindi sa akin.

“Alam mo pala kuya.” I said.

“Yes, gusto nya pang pati ako kontrolin, She's my Mother but it doesn't mean na susundin ko siya kahit hindi tama. So, umalis na ako sa bahay. I planned to take over the company of our lolo, in Dad's side. He want me to manage it, kaya iniwan ko na ang hacienda sa Quezon. Take care of yourself, if kailangan mo ako. Tawagan mo lang ako.” Niyakap ko siya, okay lang sa akin ang desisyon niya. Ayoko din na pati siya kontrolin ni Mom.

Naghiwalay na kami after that, sinundo ulit ako ni Nick.

“How's your day?” He asked.

“It's fine.” I may be sound rude pero I don't feel like talking to him again since nagsumbong siya kay Mom, knowing din na isa siya sa alipores ni Mom.

“Let's eat, saan mo gusto?” Naka-ngiti niyang pagyaya sa akin.

“Nah, I'm good. Just drop me home.” He sighed and hindi na nagsalita.

Nang makarating kami sa bahay, ininvite pa siya ni Mom mag-dinner, na tinanggap naman nya. So we end up eating together, nawalan ako ng gana.

“So how's school Nick? I heard you're one of the dean's lister.” My Mom asked.

“Yes Tita. It's fine po.” Naka-ngiting sagot ni Nick. He seems nice pero nawawalan talaga ako ng gana makipag-kaibigan sa kanya pag naalala ko na inuutusan siya ni Mom.

“That's great! Cosette, he's really boyfriend material. Or should I say a husband material? Look how intellectual he is, don't forget that he's  really good looking.” Napairap nalang ako at agad na umalis sa hapag-kainan. Padabog akong lumabas sa garden namin. Sinundan pala ako ni Nick.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें