Chapter 5

1.9K 100 114
                                    

"Hoy sis, bakit kasabay mo pumasok si Nick? At sa kotse ka pa niya bumaba."

Pagi-intriga sa akin ni Cassy, pagpasok ko sa booth. So nakita nila 'yun? Umupo muna kami saglit sa loob ng booth at balak ko i-explain sa kanila ang set-up na meron kami ni Nick.


"Sila Mom and Dad kasi, gusto nila sabay kami pumasok. I'm against of this idea pero alam niyo naman sila Mom gusto nila sila masusunod lagi." Paliwanag ko sa kanila.



"I think gusto ng parents mo na magkamabutihan kayo ni Nick." Saad naman ni Naih, na sinang-ayunan ni Zades at Cas.


"I don't know, pero if ever alam niyo naman kung sinong gusto ko." Nagsimula na kaming maglinis ulit at mag-ayos ng booth, pagtapos din ng ilang minutes, nag-open na kami para sa mga customers.


"Finally, our shift is done." Nag-inat na sabi ni Zades.


"Tara libot ulit?" Pagyaya ulit ni Cas.

"Tara sa hotdogs."

Sabi ni Naih, na ikinatawa naming apat. Nagpunta nga kami sa booth nila Kael, pero wala sila doon. Walang tao at walang mga gamit. Sa pagtataka namin, nagpunta kami sa practice room to check them if they're practicing.


And luckily, andun nga sila. Nagpapractice sila ng instrumental based sa nakikita ko kasi hindi kumakanta si Kael. Kumatok ako at sumenyas si Zico na pumasok kami sa loob.


"Hi girls, miss niyo na ako?" Iba talaga pagkapresko ni Lander, masyadong malakas.


"Neknek mo, kung pwede lang hindi makita 'yang mukha mo sa isang araw. Ang saya siguro." Sabat naman ni Naih sa banat ni Lander.



"Huwag ka na kasi magselos kahapon, last na 'yun. Hindi na kami magbebenta ng hotdogs, ikaw nga dyan hindi na nagreply kagabi." Pagtatampo naman ni Lander.


"Hoy ano 'yan!" Sigaw naman ni Zades at Cassy. Iisa lang nasa isip namin. There's something going on between them.


"Asa ka." Umirap si Naih at umupo nalang sa sulok.


"May isa pang love birds na magkatext kagabi e, sino kaya 'yung mga 'yun?"

Pang-aasar naman ni Zico, hindi naman niya sinabi ang pangalan ng tinutukoy niya pero bakit feeling ko kami 'yun? Agad na namula ang pisngi ko.


"Uy namumula si Cose, feeling ko sila ni Darrel 'yun."

Sabi naman ni Zades, kaya agad nanlaki ang mata ko, napatingin ako kay Kael if magpo-protest ba ako. Pero nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin at kay Darrel. Bakit parang kasalanan ko?


"Ako ang ka-text ni Sette kagabi." Hindi tumitingin na sabi ni Kael, kaya napalingon kaming lahat sa kaniya. Nanahimik kaming lahat, tapos sabay sabay silang nang-asar.



Kailan ba hindi mamumula ang pisngi ko kapag kinikilig? Masyadong halata.


Lumabas kaming lahat para mag-ikot ikot pero nagulat kami nang mawala sa paningin namin sila Zades at Darrel, Cassy and Zico pati si Naih at Lander. Plano ba nila 'to? Kasi kami lang naiwan ni Kael.



"Saan tayo?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya.


"Saan mo ba gusto?"

Tanong niyang pabalik, kaya tinuro ko na gusto ko sa coffee shop na booth namin. I really want a caffeine, kaya dumiretso kami doon. Since may twist nga itong booth namin, magkahiwalay ng pila ang girls and boys, sana naman wala siyang makaparehas na ibang flavor. Nagsisi ata ako na niyaya ko pa siya dito.



Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now