Chapter 13

1.2K 68 69
                                    

“Good morning baby.”

Bungad sa akin ni Kael, ang gandang bungad naman ng kagwapuhan nito sa umaga. Pumasok pala siya sa tent namin nila Naih, at ako nalang ang tulog.

“What time is it?” Madilim pa kasi sa labas kaya naisipan ko tanungin kung anong oras na.

“It's 5:34 am, it's too early but I want to watch the sunrise with you.” Sabi nito na ikinangiti ko.

“Lumayo ka muna, hindi pa ako nagto-tooth brush.” Pagtataboy ko sa kaniya. Pero mas lumapit lang ito, at niyakap ako.

“I don't care.” Pagkatapos niya mag-lambing sa akin tinulak ko na siya at gusto ko na mag-hilamos. Paglabas namin, nasa bonfire sila nakapalibot. Sinamahan lang ako ni Kael sa cr then pumunta na kami sa kanila. Pinagtimpla ako ni Kael ng coffee.

“Good morning guys.” Bati ko sa kanila. They greet me back.

Niyaya ako ni Kael sa puno na pinuntahan namin kagabi then pinasuot nya sakin ang jacket niya kasi malamig pa. Umupo kami then, inintay na sumikat ang araw.

“These moments with you is my favorite, I don't have to say how much I love you. All we have to do is stay with each other's side.” He said, and that made me smile. It is true, his presence is all that matters to me.

“I wish this will lasts forever.” He smiles then embrace me with his endless hugs. My home.

Maraming activities kaming ginawa and worth it lahat dahil nag-enjoy kami, it's time to go home.

Pagka-uwi namin, I recieved a text message from Kael.

From : Baby

Rest well baby, I will also take a nap. I need an energy for work later. Sweet dreams.

To : Baby

Yes baby. Rest well also, take care.

He didn't reply after that, maybe nakatulog na siya. I also take a nap since it's really tiring.

Start na naman ng klase and malapit na din matapos ang second sem, so that means malapit na matapos ang first year.

“Hi guys!” Bati sa amin ni Cassy, siya kasi ang huling dumating.

“May sasabihin daw sa atin sila Lander, mamayang lunch break.” Sabi naman ni Naih.

Nacurious kaming lahat, so we can't wait na mag-lunch break na. After ng class, we proceed to practice room para maabutan ang boys dun.

“So ano 'tong breaking news nyo for us?” Tanong ni Cassy.

“Well, kami lang 'to wag kayo magugulat.” Pagmamayabang ni Zico.

“Ano nga?” Pangungulit ko.

“Bukas may performance kami sa isang show sa tv!” Masayang pagbalita sa amin ni Lander. Nagtatalon kaming girls sa tuwa, at last unti unti na silang nakikilala.

“Omg! Sobrang helpful pala nung nag-perform kayo sa radio station.” Sabi ko.

“Kaya nga, may iba akong nakikita sa facebook na gumagawa pa talaga ng page for updates about them.” Sabi ni Zades.

Napatingin ako kay Kael at agad na lumapit sa kanya.

“Congrats baby! Ang galing nyo.” Masayang bati ko sa kanya, and he immediately smile and hug me.

“Sana all nalang.” Pahayag ni Zico, kaya tinawanan siya ni Cassy ng nang-aasar.

Kumain na kami ng lunch and sinamahan namin ang boys para mamili ng costume nila tomorrow. Nagpunta kami sa mall, at kaming girls ang nasusunod sa outfit nila bukas.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now