Chapter 23

1.5K 68 44
                                    

“Maybe, he's slowly melting. Nawawala na 'yung binuild niyang boundaries between you and him.”


Nai-kwento ko sa kanila na marami nga ang nangyari nitong mga nakaraan. Mukhang tama si Zades sa sinabi niya pero mahirap umasa. Maybe, he's just being nice to me.

“Wag nyo nga paasahin si Cose, baka mamaya gumaganti si Kael sa kanya.”

Kinabahan ako sa sinabi ni Cassy, hindi ko naisip ang bagay na yun. Paano nga kung hinahayaan lang ako ni Kael lumapit sa kanya dahil may pina-plano siya?

“Hindi naman siguro ganoon si Kael.”

Depensa ko pa din kahit iba ang sinasabi ng utak ko.

“We got your back.”

Nginitian ko si Naih bilang response. Umalis na din sila dahil may kanya kanya din silang gagawin ngayon. Naiwan akong occupied ang utak, pero dumating si Nick para yayain ako mag-lunch.

“I'm sorry about yesterday, late din sinabi sa akin na may papalit pala sa akin. So what happen?”

Kinuwento ko sa kanya, pero medyo nag-iba ang mood niya nang malaman na si Kael ang pumalit sa kanya. So we decided to go back to my boutique.

“I have to go.”

Nag-thank you ako sa kanya at umalis na din siya, nagtataka ako bakit may kotse sa labas ng shop ko. Baka customer lang, pero hindi naman tumawag si Shane.

“So you go to a lunch date with him?”

Napatalon ako sa gulat dahil biglang nagsalita si Kael na prenteng naka-upo sa couch. I didn't know he's coming today.

“It's just a normal lunch. What brought you here?”

Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Mukhang badtrip din ang isang 'to, why do I need to deal with these men na parang mas moody pa sa akin. Kanina si Nick, ngayon naman si Kael?

“Kumain kana?”

“I was about to, pero yung kasabay ko sa lunch, sumabay sa iba. I have to go.”

I was about to stop him pero mukhang hindi siya makikinig dahil wala na talaga siya sa mood. Sana in-inform niya ako para tinanggihan ko si Nick.

“Ms. Cosette, dalawa po pala ang manliligaw niyo?”

“Shane, yung isa kaibigan ko lang tapos yung kakaalis lang ako ang nanliligaw dun.”

Napatawa naman siya sa sinabi ko at bumalik na sa ginagawa niya. Mukhang mas babae pa nga siya sa akin.

“Cose, may kailangan kaming sabihin sayo, pwedeng dumaan ka dito sa bahay?”

Bago ako umuwi dumaan ako kila Mom and Dad since may sasabihin daw sila, or should I say si Mom dahil hindi na nakakapag-salita si Dad.

“Salamat at pumunta ka anak.”

Ngumiti si Mom sa akin pero hindi ko magawang suklian yun, kapag naalala ko talaga ang mga nangyari noon.

“May sasabihin daw po kayo, ano yun?”

“About sa lupa natin sa Quezon at ang mansyon natin anak.”

“Anong meron?”

“Yung dating pinag-sanglaan natin ay binenta niya ang mansyon at lupa sa iba kaya maaaring hindi na natin ito makuha.”

Nanlumo ako sa nalaman, gusto ko kasing tubusin iyon pag naka-ipon na ako dahil yun ang mga ari-arian namin na ayokong ipagbili.

“Pwede pa kaya pakiusapan ang bagong may-ari na sangla na muna? Tutubusin ko nalang pag nakaipon na ako.”

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now