Chapter 19

1.4K 64 45
                                    

"Kailan ka ulit dadalaw sa Daddy mo?"


Tinawagan ulit ako ni Mom, sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa din ako komportable kay Mom. Sa lahat nang nagawa niya, hindi ko pa siya kayang mapatawad.

"Hindi ko pa alam, madaming kailangan asikasuhin dito sa boutique."

I ended the call. Kaya ko naman makipag-usap pero hindi ko siya kayang i-approach. Nagsisisi na daw siya, pero darating din siguro sa point na mapapatawad ko na talaga siya, ayoko palang pilitin ang sarili ko.

"Hinatid ka ni Kael, seriously ano meron dun?"

Nandito ulit silang tatlo, at si Naih windang na windang na hinatid ako kagabi ni Kael.

"Siguro inisip niya lang na gabi na at maaaring wala na ako masakyan."

"Sus, ex na eh tsaka galit siya diba? Bakit nya gagawin yun? Baka may feelings pa!"

Namula naman ako sa sinabi ni Cassy pero ayokong umasa. Masyadong malabo yan, anim na taon na ang nakakalipas marami na ang nagbago.

"Mahal mo pa din siya diba? Anong balak mo?"

Napa-isip ako. Sa totoo lang, I want to win him back gusto ko ako naman yung mage-effort na magkabalikan kami kasi ako yung nang-iwan.

"Iba na talaga siya sis, hindi na siya siguro yung Kael na sobrang open sa nararamdaman niya."

Napatingin ako kay Zades sa sinabi niya at bumuntong hininga.

"I will win him back."

Umiling iling ang tatlo at sinabing susuportahan nalang ako sa mga gagawin ko.

Natapos na kami sa lahat ng decorations dito sa boutique at excited na ako i-open ito kaya simula bukas magbubukas na kami. Sa ngayon, inaasikaso ko ang magiging official instagram account ng boutique para mas lalong ma-promote.

Out of curiousity, I tried searching his ig account. Pero walang lumalabas.

"Wala na 'bang ig account si Kael?"

"Grabe parang teenager na patay na patay sa crush nya ah!"

Inirapan ko nalang si Naih sa pang-aasar niya.

"Ang alam ko deactivated ata, hindi na siya gumawa ng bago. Yung mismong company nalang ang nagpo-post about sa whereabouts niya."

Napatango nalang ako sa sinabi ni Zades, tho nakikinig ako ng kanta niya. Hindi ko naisipan na i-search pa ang account nya dahil baka masaktan ako kapag dinelete niya yung mga posts nya about sa amin noon. Kahit ako, nag-deact lang hindi ko kasi kayang burahin pa lahat.

"Parehas pala kayo nag-deact. Dinelete niya kaya photos nya with you?"

Tanong ni Cassy, pero kahit ako hindi ko masagot. Yan din ang tanong ko matagal na.

"Baka dinelete na niya. I'm no longer part of his life, so bakit hindi niya ide-delete?"

Napatawa nalang ako ng mapakla, ang sakit isipin.

Naisipan ko mag-grocery muna bago umuwi sa condo, wala na din kasi akong stock ng mga foods. While I'm searching for something, I noticed someone na parang familiar. Omg, si Tita Agnes.

Nakita niya ako kaya agad na akong umalis doon, I know galit siya sa pamilya ko at siguro lalo na sa akin. Dahil iniwan ko ang anak niya tapos kinuha pa ng pamilya ko ang lupain nila. Hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon.

"Where are you?"

Tumawag sa akin si Nick kasi I texted him na samahan ako sa pag-grocery sa Mall. Doon nalang ako mamimili.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now