Chapter 15

1.2K 61 32
                                    

“Don't test my patience Cosette, you know what I'm capable of.”

My Mom remarks before she left our house, I was afraid of what she's planning. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya kapag may nagawa siyang hindi maganda kay Kael. I know gagamitin niya ng kayamanan namin para mapasunod lang ako sa kaniya.

Pumasok na ako sa klase at naabutan ko sila sa garden na malapit sa room namin.

“What's happening here?” I asked them. Andun silang lahat maliban kay Kael. Hinahanap ko siya pero mukhang wala talaga siya dito.

“May dapat kang malaman, Cose.” Kinabahan ako sa sinabi ni Lander.

“Ano yun?” Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa mga itsura ng mukha nila, there's really something wrong.

“Bumalik si Kael sa province nila. Hindi niya sinabi kung anong problema pero mukhang malala dahil nagmamadali siyang umalis kaninang madaling araw.” Sabi ni Zico.

“We can't contact him. Basta ang sabi niya hindi siya makaka-pasok ng ilang araw.” Nanlumo ako sa nalaman, mukhang walang ibang paraan para malaman kung anong kalagayan niya ngayon.

Tulala ako buong klase, inisip na baka may kinalaman si Mom at Dad sa nangyayari kay Kael. Knowing them, gagawin nila lahat para mapag-hiwalay kami.

Pinagpatuloy ko ang usual na ginagawa ko everyday, kahit na hindi mawala sa isip ko si Kael. It's been one week pero hindi ko pa din siya nakikita. Namimiss ko na siya, okay lang kaya siya ngayon?

I'm preferring myself to sleep, when someone hit my window again with a rock. Muntikan na akong madapa sa pagmamadali na silipin kung sino yun, umaasa na si Kael yun.

Hindi ako nagka-mali, andun siya sa baba naka-tanaw dito sa taas habang naka-ngiti kahit bakas sa mukha niya ang pagod. Dahan dahan akong bumaba at nagmamadaling tinalon siya ng yakap.

“I missed you baby.” He kisses my forehead.

“Bakit ang tagal mo?” Naiiyak na sabi ko.

“Wag tayo dito mag-usap.” Hinila niya ako papunta sa park, binilhan niya muna ako ng foods bago kami tumambay sa damuhan.

“Madami lang akong inasikaso, pero okay lang ako. Saglit lang ako dito, babalik din ako mamaya sa Quezon.” Sabi niya nang naka-ngiti kahit halatang pilit lang ito.

“Bakit?” Hindi siya umimik, tumingin lang siya sa akin at nginitian ako.

“Wala yun. 'Wag ka mag-alala, I can handle it. Basta always take care of yourself, mawawala ako ng ilang araw hindi kita mababantayan.” Napa-luha ako sa sinabi niya, bakit ganto siya? Mas lalo lang akong nahuhulog.

“Wag mo din pabayaan ang sarili mo please? Ang laki ng eyebags mo pero gwapo ka pa din.” Napatawa siya sa sinabi ko at hinila ako papalapit sa kanya.

“We can conquer it all baby, just trust me okay?” I don't understand him, I know it's a challenge in our relationship na malayo siya saglit dahil sa problem niya sa province, but why does it looks like na there's something na hindi niya sinasabi?

“Yes, I will always be here for you.” Ngumiti siya at niyakap ako.

“Yeah I know that, kaya nga ako pumunta dito para mag-recharge. Kahit makita lang kita saglit, buo na ulit ako.” Niyakap ko lang siya at inantay ang sandali na mawala ulit siya sa bisig ko.

Another day in University na wala pa din ang presence ni Kael. I can't help it, gustong gusto ko siya puntahan sa Quezon pero hindi ko alam kung paano ko tatakasan sila Mom. Gusto ko malaman ang kalagayan niya doon.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now