Chapter 6

1.7K 119 144
                                    

“Mukhang masaya ka kahapon na watak-watak tayo ah?”

Sabi ni Naih sa akin na halatang pikon na pikon sa nangyari sa kanila ni Lander yesterday. Hindi ko alam pero pikon na pikon talaga siya kay Lander, siguro dahil lagi siyang inaasar nito.

“Hindi ka man lang ba nasiyahan sa wedding nyo kahapon?” Tanong ko sa kaniya na ikina-ikot ng mga mata niya. It's really confirm, sobrang inis siya kay Lander.

“Kamusta honeymoon?” nagtawanan kaming tatlo sa tanong ni Cas kay Naih kaya pikon na pikon si Naih.

“Sa inyo, Zades at Cas ano nangyari sa inyo kahapon?” Nanlumo ang mukha ng dalawa. Parang ang worst kasama nung mga lalaking yun at ganto ang reaction ng mga kaibigan ko.

“Basta! Wag na natin pag-usapan.” Sabi ni Zades na halatang ayaw ipaalam ang nangyari sa kanila ni Darrel kahapon.

Nagsimula na ulit kami sa daily routine namin sa booth, as usual maglinis at mag-ayos ng booth bago buksan. Nagulat ako ng pumasok si Danna at umorder.

“Really? Bakit sabi nila ang prim mo daw yun pala may tinatagong landi.” Napatingin ako kay Danna na dinalhan ko sa table niya ng order niya.

“Ako ba pinaparinggan mo?” Asik ko sa kaniya pabalik.

“Bakit natamaan kaba?” Umirap siya sa akin at uminom kape niya.

“Wag ka mag-alala mas malandi ka sa kaibigan ko.” Sabat naman ni Cassy.

“Oh really? Nilalandi niya si Kael kahit may girlfriend na?” Nag-fake pa siya ng tawa, baliw ka ba?

“Eh sino girlfriend niya? ikaw? Asa pa girl.” Sabat ni Naih sa usapan. Kaya pinagtitinginan na kami dito. Bigla siyang tumayo at hinarap kami.

“Oo, hindi ba halata? Kaya pumili ka minsan ng lalandiin mo.” Pagkatapos nun lumabas na siya at inirapan kami. Inalo naman ni Zades ang likod ko. Hindi naman siguro manunugod si Danna ng ganun kung wala talaga silang relasyon.

Hindi kami pumunta sa practice room at mas lalong hindi kami nagpakita sa boys. Pero nilagay ko pa din ang food at letter na ginawa ko sa locker ni Kael. This is the last time if talagang may relasyon nga sila. Pagkatapos ng shift namin, napagdesisyunan namin mag-mall.

“Girls, tumatawag si Zico sa akin.” Pinakita ni Cas samin ang phone niya. Nagulat ako ng tumunog din ang phone nila Zades at Naih. Seryoso? May love team ba na nagaganap sa mga kaibigan ko at sa mga lalaking yun?

“Wag natin sagutin.” Suhestyon naman ni Zades kaya pumayag kami. Kaso biglang nag-text naman sa akin si Kael.

From : Mr. Bump Guy

Where are you?

Hindi ako nag-reply at pinagpatuloy namin ang pamamasyal sa mall. Maya maya pa naramdaman ko na panay vibrate ng phone ko.

From : Mr Bump Guy

Why aren't you replying?

From : Mr Bump Guy

Are you busy?

From : Mr Bump Guy

You're ignoring my messages.

Wow naman lakas makiramdam ah? At may mga missed calls din, ano ba kailangan niya?

“Sabi na andito lang kayo eh.” Nagulat kami sa presensya nila Lander sa harapan namin.

“Stalker ba kayo?” Tanong naman ni Naih.

“Nag-ig story kaya si Zades kaya nalaman namin.” Sagot naman ni Zico.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now