Chapter 10

1.4K 79 48
                                    

“Kumusta ang vacation mo dito anak, mukhang nage-enjoy ka daw?”

Nagulat ako sa biglaang pagdating nila Mom and Dad dito sa Quezon. And also last day na ngayon then aalis na kami mamayang gabi pauwi, kasi next day balik na sa class.

“Yes Mom, actually I really love the ambiance here.” I told her.

“Yeah, buti na-appreciate mo ang farm natin, before you can't really stay here for a week, you prefer Manila than here.” That's true, I don't know kung bakit I plan to spend my vacation here, siguro dahil ramdam ko na andito si Kael?

“Let's visit our farmers.” My dad told us. Pumunta kami sa mga bahay ng mga farmers, and kinamusta nila Dad ang mga tauhan nila.

Nang malapit na kami sa bahay nila Kael, todo ang kaba sa aking dibdib. I received a text from him.

From : Baby

Your parents are here.

Yes, yan na ang name niya sa contacts ko. Siya pa mismo nagpalit niyan.

To : Baby

Yeah, they didn't inform me.

Nagpunta na kami sa loob ng bahay nila Kael, binati kami ng Mama niya pati ng Papa niya.

“Kumusta naman kayo?” Pangangamusta ni Dad, kaya agad na sumagot ang mga parents ni Kael. Nagkatinginan kaming dalawa at ako na ang unang umiwas, hindi kami nagtagal at umalis din kami.

From : Baby

Is there something wrong?

To: Baby

Nothing, I just can't spend my last day in here with you.

The truth is, kapag naalala ko yung possibilities kapag nalaman ng parents ko ang relasyon namin, there's a big possibility na paghiwalayin kami.

After dinner, nakipag kita ako sa maliit na bundok na pinuntahan namin noon at nagdala siya ng blanket at mga foods.

“What's bothering you?” He asked and hinila niya ako malapit sa kanya.

“Nothing. I just missed you.” He chuckled and rest his chin in my shoulder.

“Then I missed you too.”

Nakabalik na kami from Quezon to Manila, sabi ni Kael bukas na daw siya ba-byahe kasi may gagawin pa daw siya sa farm.

Inayos ko nalang ang mga gamit ko para sa pasukan, ginawa ko na din ang mga ipapasa para sa ibang minor subjects.

Nagkita-kita kami nila Zades, Naih at Cassy ng magpasukan na. Todo tili ang tatlo ng malaman na kami na ni Kael.

“Sabi na eh! Sa post palang ni Kael na "Baby" shets! sobrang nakaka-kilig.” Nagtawanan kami sa sinabi ni Cassy, nagkwentuhan kami about sa mga pinagkaalabahan namin during the small vacation.

After class, we decided na pumunta ulit sa practice room at nadatnan namin sila sa nagke-kwentuhan. Nang makita ko si Kael, I just want to embrace him with a hug, 2 days been so long. I'm so clingy na.

“Wow naman, ang first couple ng tropa. Kael and Pusit.” Kinurot ko naman si Zico, at napahiyaw naman siya sa sakit.

“Pusit pala ha? Hindi kita dyan ilakad kay Cassy.” Umacting naman si Cassy na nasusuka. Si Zico naman nag-flying kiss kay Cassy.

“Ediwow, reto mo nalang ako sa iba. Wag dyan.” Inirapan naman ni Cassy si Zico, samantalang yung isa ang sama ng tingin.

“Subukan mo magpa-reto sa iba suntukin ko mga irereto sayo.” Umirap lang si Cassy at ni-imitate ang salita ni Zico.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now