Chapter 2

2.9K 162 134
                                    

Chapter Two

"OMG!" Reaksyon ni Cassy when I told her what happened last night with matching paypay pa 'yan, the fact na air condition ang room.

"Huwag kang maingay, para kang sinapian dyan." Pina-upo ko agad siya after niya mag-react ng sobra.

"Halika, after this class alamin natin ano name niya tsaka kung anong course niya!" Mas excited pa siya sakin kahit ako 'yung may crush. Yes, I admit crush ko talaga siya. Sino bang hindi? Ang ganda ng boses, gwapo pa kaso 'yun nga lang panis ang laway mo. 

As soon as the class dismissed. Hinatak niya na ako palabas ng room at nag-ikot sa University since 2 hrs din kaming vacant.

"Kung nagba-banda siya sis, ibig sabihin palagi siyang nasa practice room. Andoon lahat ng instruments tsaka dun nagpa-practice iba kong classmates." Sumilip kami sa labas ng practice room, pero wala namang tao. Maybe, may klase pa sila. So we decided na tumambay sa library kasi 'di pa naman kami gutom.

"Alam mo ba nakakatamad na minsan pero you know, parehas nating dream 'di ba maging designer." Nakanguso niyang sambit.

Cassy is really pretty, morena siya pero ang ganda niya. 'Yung tipong panlaban sa mga beauty pageant? She's like that, ang tangkad niya. But my height is 5'7 siya naman 5'6.

"Yeah, we have no choice kung hindi baka i-pagtake ako ni Dad ng business pag may bumagsak akong isang subject dito." Tinignan ko ang mga students sa loob ng library when someone caught my attention. 

"Kael, pare gising dyan turuan mo naman kami dito. Hindi namin gets." Pagkalabit ni Zico, drummer ng band ng school namin.

"Kunwari ka pa Zico, mangongopya ka lang din." Pang-aasar naman ni Lander, pianist ng band. 

"Manahimik ka nga dyan bakit ka ba nandito? Engineering ka ah." Sagot naman ni Zico.

"Tanga ka ba? Ikaw nga business ang course pero nagpapaturo ka dyan kay Kael na Agri student." Singhal naman pabalik ni Lander.  Nagulat sila nang pinagbabatukan sila ni Darrel. 

"Mga tarantado, bakit ba ang ingay niyo? Masita na naman tayo ni Madam Librarian." Pagsaway ni Darrel sa kanila.

"Kindatan lang 'yan ni Kael, kikiligin na 'yan 'di ba pre?" Pangangalabit naman ni Zico kay Kael na tulog na tulog.

Bakit siya tulog? Ginawa niya pang unan 'yung libro niya. Parang lagi siyang puyat. Parang ayaw ko pa magpakita sa kaniya, parang ayaw ko pa ibalik 'yung jacket. I didn't have a chance to talk to him, kasi umalis na rin sila ng mga kaibigan niya kaya nagtago ako sa likod ng hawak kong book. 

"Hoy anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Cas.

"Nakita mo ba 'yung mga lalaking nasa tapat ng table natin? Isa dun 'yung guy kagabi." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"You mean 'yung kasama nila Zico? OMG. He's the hottie transferee na pinag-uusapan last time!" Yeah, before the first semester starts kasi may bagong students na galing sa province ng Quezon but hindi ako nakinig kay Cassy na may bagong crush na naman ang campus.

"He's also the new vocalist ng The Resistance." Ayun pala name ng band ng school namin, mukhang magiging fan na ako simula ngayon ah? 

"May fan group ba sila? Sasali ako." Kinikilig na pahayag ko. 

"Grabe iba na talaga tama mo dyan kay Kael ha." After that, we proceed to our next class. Pagtapos ng klase namin, naunang umuwi si Cassy kasi may family dinner pa raw sila. 

Maaga pa it's 6 pm palang kaya naisip ko dumaan sa practice room ng The Resistance, umaasang andoon siya at nagpa-practice. Sumilip ako sa pinto ng room, at kung sinuswerte ka nga naman, nagpa-practice sila sa loob. Mukhang sound proof ang room kaya mas nilapit ko pa ang tainga ko sa pintuan para marinig ko ang kantang tinutugtog nila. Sobrang ganda ng boses niya, vocalist siya  pero naggi-gitara rin siya sobrang talented naman niya. Pero hindi  ako makontento sa naririnig ko, gusto ko pa siya marinig nang  maayos. 

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan at nalaglag ako sa sahig. Napahinto sila nang makitang nakahandusay ang  katawan ko sa sahig ng practice room nila. 

"Anong ginagawa mo dyan miss?" Si Darrel ang unang nagtanong sakin. 

Shit! Pulang pula na ako sa kahihiyan, hindi ko alam na bukas pala 'yung door! Malay ko ba at sumandal pa ako. Agad akong  tumayo at pinagpag ang damit ko. Act proper and prim, like how  they know you Cosette. You are elegant and prim. 

"I was just trying to hide from someone, maybe my stalker? But I came up randomly opening the doors and I didn't control my force  when I open your practice room. I'm sorry for the interruption." I shook my head, hiyang hiya talaga ako. Tumawa bigla si Zico ang  pinaka maloko raw sa banda.

"It's okay miss, akala namin admirer na naman ni Kael." I choke from what he said, kaya napunta na naman sa akin ang atensyon nila. 

"Yes, I mean no! Of course not. Actually, I don't know.. who's Kael?" Nakakahiya na talaga ano ba pinagsasabi ko. 

"Hmm, really?" Napa-angat ang tingin ko kay Kael na prenteng nakasandal sa pader habang hawak ang gitara niya. 

"Y-Yes." Baka ma-offend siya, ano ba itong pinasok ko? 

"Sure, maybe your twin sister was the one who borrowed my jacket last night." He strummed his guitar, I know that song! Ayan 'yung pinakinggan namin kagabi sa earphones ko. 

"May kakambal ka pala?" Tanong ni Zico, malamang wala!

"Gusto mo ba makinig sa tutugtugin namin?" Tanong naman ni Lander. 

"Can I?" Dream come true ata 'to. Kunwari nalang hinaharana ako ni Kael.

"We need you as our audience for tonight, para malaman namin ang opinion mo. Magpe-perform kami sa foundation day." Zico said, their drummer. 

"Wow, Sure makikinig ako." I smiled sweetly.

"Nakakatunaw naman 'yang smile mo Cosette!" May pag-acting na sabi pa ni Lander, their pianist. Binato naman ni Kael si Lander ng drum stick sa ulo. 

"Aray naman pre, inaano ka ba?" Nagkakamot ng ulo na sabi ni Lander. 

"Magsimula na tayo." Tsaka nag-ayos na siya ng gitara niya.

"May regla ka gurl?" Pang-aasar naman ni Zico. Natatawa ako sa mga asaran nila kaya hindi ko talaga mapigilan. Mukhang bakla magsalita si Zico pag nang-aasar sa mga kabanda niya pero pag tinignan mo siya, lalaking lalaki. Nagsimula na sila.

Now Playing: Once Upon a Time by Jeff Bernat

Tumingin si Kael sa mga mata ko habang kinakanta niya ang line ng kantang 'yun, sobrang lamig at ganda ng boses niya. I don't know pero parang hinehele ako nito. I can't get my eyes off him, parang may magnet between us. His voice is really something, he's someone na nakikita kong magiging sikat na singer in the future. Naniniwala akong deserve niya makilala ng mundo. After nilang matapos 'yun, I can't help myselfbut to clap. I'm now their number one fan, especially to him.

Nagpaalam na ako sa kanila at nauna na kasi mag-aayos pa sila ng practice room. Akmang aalis na ako nang marinig ko na naman ang boses ni Kael.

"Kindly tell to your twin sister that I had a great time last night."Sambit niya sa malamig na boses, nasa likuran ko siya pero ramdam ko ang mabibigat na titig nito. Pakiramdam ko ay sobrang init ngpisngi ko sa sobrang kahihiyan. Agad akong naglakad ng mabilis para takasan siya. I heard him chuckled.

Surely, you had fun teasing me tonight.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now