Chapter 4

2K 111 128
                                    

"So, guys, let's start making some decorations para sa booth natin." 

 Pagkatapos sabihin 'yun ng leader namin para sa gaganaping foundation day, Inassign niya na rin kami sa mga shift namin, at kung sinong kasama namin. It happens na apat kami sa 8:00 to 9:00 am na magiging waitresses, si Cassy, Zades, our leader Naih and ako. 

 "Hello, kayo pala ang ka-group ko."

Nahihiyang lumapit samin si Zades, half korean siya kaya maputi at medyo singkit siya. Si Naih naman ay morena, she's the leader type. Halatang magaling maghandle ng mga tao. 

 "Ang cute! Tayo ang magkaka-group, dati ko pa gustong maging friend kayo!" Masiglang sambit naman ni Naih sa amin. We exchanged smiles, sobrang gaan nila kausap. 

 "Tara lunch na, sabay sabay na tayong apat kumain." 

Pumunta na kaming cafeteria at agad ginala ko ang aking mga mata para hanapin sila Kael, nakita rin agad ni Cassy ang apat kaya doon kami dumiretso. 

 "Feeling ko crush ako ni Cassy." Bungad samin ni Zico nang makalapit kami. 

 "Kapal naman, may kalyo ba 'yang mukha mo?" Nagtawanan kami sa pagsagot ni Cassy kay Zico, after that pinakilala namin sila Naih at Zades sa kanila. I saw Kael, kung hindi siya nag-aaral madalas naman tulog. Kagaya, ngayon. Tulog na tulog siya, kaya kinalabit ko si Darrel para magtanong. 

Palagi ba talaga siyang tulog?" Napalingon naman si Darrel sa tinutukoy ko. 

"Oo, madalas pag wala masyadong ginagawa, natutulog nalang 'yan. Pagod din kasi sa trabaho." Nagtaka ako, anong trabaho? Working student ba siya?

"Trabaho?" I asked him, since I'm really curious kung bakit siya parang pagod and antok dito sa school. 

 "Yes, hindi mo ba alam? Working student siya. Nagta-trabaho siya sa fast-food chain sa mall, para pangtustos sa ibang necessity niya dito sa school kasi tuition lang naman ang sagot ng scholarship niya." 

Bigla akong napatingin sa pagod na mukha ni Kael, sobrang hard working naman niya. I felt guilty na winawaldas ko lang ang pera ng parents ko para sa walang katuturang bagay. 

 "Farmers ang parents niya sa province nila, he only took the opportunity to study here in Manila since may nag-offer sa kaniya ng scholarship. Well, matalino naman kasi si Kael." 

 "Kumain na ba siya?" I felt the urge to take care of him, kasi walang nag-aalaga sa kaniya. Mag-isa lang pala siya dito sa Manila, mas lalo mo akong pinapahanga sa'yo, Kael. 

 "Hindi pa ata Cose, kasi kanina pa siya tulog e." Pagsabat naman ni Lander sa usapan namin ni Darrel. 

So, I quickly bought a food for him, kahit hindi niya tanggapin talagang ipipilit ko sa kaniya. I tried to wake him up, mabilis lang siyang nagising. Pagkakita niya sa akin, bored niya akong tinignan habang nagtataka. Kaya nilapit ko sa mukha niya 'yung foods na dala ko. 

 "I'm full," At bumalik siya ulit sa pagkakayuko sa mesa. 

 "Seriously? Kanina ka pa raw kaya tulog, you can't focus on class pag walang laman ang tiyan mo." Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at hindi man lang ako binalingan ng tingin na umalis sa table namin. 

 "Mukhang badtrip si regla boy." Pang-aasar ni Zico. 

"Ayaw niya ata na naaawa sa kaniya, Cose," bulong sa akin ni Darrel. Kaya ang ginawa ko, iniwan ko sa locker niya ang foods with a note.

"Wag mo isipin na, I pity you because I already know your story. It's just that nag-aalala lang ako since hindi ka pa kumakain. I hope you eat this food I bought for you." -Sette 

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora