Chapter 12

1.2K 77 57
                                    

“What are you doing here?”




I asked him. He just shrugged his shoulder then he place his head on my shoulder.

“Hindi mo ba ako na-miss?” Ang cute naman nito. Nilaro ko lang ang buhok at inamoy ito.

“I missed you.” Ngumiti siya at yumakap sa akin. Nilabas niya ang earphones at phone nya. Nilagay nya sa tainga ko ang isa then yung isa sa kanya.

Now Playing : More by Keshi

Baby come home, I want us.” Pagkanta niya sa lyrics, though the song itself speaks about pain, he chooses the line that he wants to tell me.

“I just wish we can watch keshi's concert together.” I told him.

“It will happen.” Niyakap niya lang ako ng mahigpit at natulog siya, samantalang ako nakikinig sa music at pinapanood siya matulog.

Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako, nakarating na kami sa destinasyon namin at ginising niya ako. Dinala niya ang mga gamit ko.

“Wow bati na ang love birds.” Pang-aasar naman nung tatlong couple.

“Wow may kanya kanyang partner na ah?” Pang-aasar ko naman sa kanila, yung girls namula tapos yung boys naman ngumisi lang.

Binigyan lang kami ng ilang instuctions, kumain ng breakfast then umakyat na kami. Laging nakaalalay sa akin si Kael, hindi niya hinahayaan na maiwan o madapa ako.

“Nakakapagod.” Sabi ko pero kay Kael parang wala lang.

“You need this, alam ko nage-exercise ka to maintain your body figure but sometimes kailangan mo din mag-hiking.” Paalala sa akin ng health guru ko.

“Fine. Kamusta work mo?” Napatingin siya sa akin.

“It's fine. Minsan 11 na ako nakakauwi sa dorm. Nago-overtime ako.” He said, lately hindi ko na siya nakakamusta sa part time job niya.

Nagpahinga kami saglit at kumain pero nag-proceed din kami after that, sabi kasi mga 5 hrs makakarating na din kami. Pagod na talaga ako pero kailangan ko sumabay.

“You seem tired, buhatin ba kita?” Tanong ni Kael, pero agad akong tumanggi. Sobrang bigat ko kaya tapos hirap pang umakyat, pero nadulas ako at nabasabit sa sanga ang tuhod ko kaya nasugatan.

“Shit.” Sambit ni Kael, huminto sila at tinulungan kami. Ginamot agad ni Kael ang sugat ko, I look at him sobrang caring niya. Sobrang swerte ko sa kanya.

Pagkatapos pa nun, pinasan niya na ako paakyat. Napadaan kami sa isang falls, sobrang ganda naalala ko nung sinagot ko sya sa falls sa Quezon.

“Everytime I will see a falls, maalala ko na sinagot mo ako.” Napatawa ako sa sinabi niya, kakaiba kasi ako sumagot eh sa falls pa talaga.

“Yeah kahit ako din.” Nagpatuloy na kami sa pag-akyat sa bundok, then natanaw na namin ang taas, sa wakas tapos na din.

Hapon na kami nakarating and nagtayo agad ng tent ang lahat ng students, share kaming girls sa iisang tent tapos sila kael naman sa kabila.

Gumawa na din sila ng bonfire, para mamayang gabi. Nakatulog ako sa loob ng tent sa sobrang pagod, kaya hindi ko napansin na gabi na pala.

“Baby, wake up. Freshen up then let's eat dinner.” He wake me up, then sinamahan niya na ako sa cr, naghintay lang siya sa labas binabantayan yung pinto. Medyo hindi kasi siya secured baka daw may pumasok.

After ko maligo kumain na kami sa mga lamesa dun, nagluto pala sila ng barbecue habang tulog ako sayang hindi ako nakatulong.

Pumalibot kaming walo sa bonfire na ginawa namin, since meron din sa ibang circle of friends. Nilabas ko yung marshmallows na dala dala ko then may sticks.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now