Chapter 20

1.5K 64 71
                                    

“Pupunta ka sa concert ni Kael?”



Tanong ni Cassy sa akin, hindi ko pa sure pero siguro gagawan ko ng paraan para makapanood ako. Hindi ko kayang palagpasin yun.

“Pag-iisipan ko.”

“Sus, alam ko naman a-attend ka.”

Pang-aasar din ni Naih kaya binato ko siya ng tape, ayan tapos na. Open na ngayon ang boutique ko. I invited some of my classmates na mga model na ngayon para kahit papaano makilala agad.

“Mag-ready na tayo guys, in 1 hour magcu-cut na ako ng ribbon.”

I'm really excited, finally! Yung pangarap 'kong boutique na sarili ko natupad ko na. Nag-ready na kami at nasa labas na ang mga tao.

I cut the ribbon at pumalakpak sila.

“Thank you so much for coming today, It's indeed a special day for me. Y'all witness my first achievement, I open my first ever branch of Closette's. I hope you will give my boutique a chance to show off how capable we are when it comes to clothing brand. Thank you and Have a nice day!”

They cheer and floods me with goodlucks and congratulations. I didn't expect to see Kael today, I didn't even try to invite him. I know I'm such a burden to him.

“Congrats Cosette! Unique ng Closette's na name ah.”

Nginitian ko si Lander sa sinabi niya, andito pa din sila to support me. I'm so lucky to have them. Nag-celebrate kami at kumain sa labas, when I say labas. It means karinderya ni Aling Nene, finally after 6 years.

“Mga anak!”

Yeah, ganyan namin siya ka-close pero siguro sila dito kumakain noon habang wala ako.

“Ikaw ba yung kasintahan ni Kael? Aba! Lalong gumanda kaya hindi ka na nito papakawalan lalo naku.”

Kinabahan ako sa sinabi niya, baka ma-offend si Kael.

“Ay, aling nene hindi na po kami eh. Matagal na po.”

Sabi ko at napatingin kay Kael na naka-shades at cap. He's in disguise again.

“Ay ganun ba, sayang naman.”

Nginitian ko nalang siya at umorder na kami, andito pa din ang pwesto niya pero nagbago ito. Mas lumaki at maganda na lalo ang pagkaka-design. Matanda na si Aling Nene pero hindi pa din sya tumitigil sa pagluluto, siguro dahil napamahal na sya dito.

“Kailan nyo po balak tumigil sa pagluluto? Mukhang successful na po ito.”

I asked her pero ngumiti siya sa akin, nakatingin sa aming dalawa ang mga friends ko.

“Matanda na ako at mahina, pero pakiramdam ko mas lumalakas ako kapag may ginagawa ako. Lalo na ang pagluluto, sobrang mahal ko ang ginagawa ko ineng. Kapag mahal mo ang ginagawa mo, gagawin mo lahat para matupad yun at maging successful.”

Ang ganda naman ng sinabi niya, ngumiti ako sa kanya.

“Kaya nga po ako hindi din tumigil hangga't hindi ko natutupad yung pangarap ko.”

Hinaplos nya ang kamay ko at ngumiti pa lalo sa akin. Bumaling siya kay Kael.

“Katulad kay Kael? Naku bagay talaga kayo!”

Hindi nalang kami sumagot at nagpatuloy na sa pagkain. Bagay nga siguro kami pero mukhang ayaw na sa akin, pero susubukan ko gawin lahat para bumalik siya sa akin.

“Bakit kailangan pa nating mag-ready para sa concert nya?”

Kanina pa ako hinahatak nitong mga 'to, papagandahin daw nila ako lalo para maakit ko daw si Kael. Hindi ko alam mga trip nito.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon