Chapter 9

1.4K 85 90
                                    

"Sigurado ba kayo ng anak ko Iha? Kasi alam mo naman ang estado ng pamumuhay namin at ng sa inyo. Maaring hindi pumayag ang mga magulang mo."

Napaisip ako sa mga salitang binitawan ng Mama ni Kael, I know this is the risk that I need to take. Our relationship is a risk. Naisip ko din na hindi magugustuhan ng parents ko kapag nalaman nila na may relasyon kami ni Kael, knowing na mas mahalaga sa kanila ang status ng isang tao.

"Gagawin ko po ang lahat para matanggap kami ng parents ko." Pagkatapos ko sabihin yun, hinawakan ako sa kamay ng Mama ni Kael at bumuntong hininga.

"Hindi ako tutol sa relasyon nyo pero ayokong masaktan at tapak-tapakan ang pagkatao ng anak ko, napaka-bait na anak ni Kael." Napangiti ako ng pilit sa sinabi nya, alam kong nag-alala siya sa anak niya kaya nag-alala din ako kay Kael.

Sobrang buting tao ni Kael, at isa yun sa minahal ko sa kanya. Wait, minahal?

Andito ako sa bahay nila Kael, tumutulong ako sa pagluluto ni Tita Agnes, yun na ang tawag ko sa Mama ni Kael. Sobrang comfortable nya kausap, parang mas ramdam ko ang pagiging ina niya, hindi kasi kami masyadong nagba-bonding ni Mom. Busy siya palagi sa business namin.

"Tikman mo Iha, masarap ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Tumango ako at nag-thumbs up sa kaniya. Tumawa siya at pagtapos nun, tinawag ko na si Kael na busy sa pagpapa-ligo kay Kalista.

"Hey kain na daw tayo ng lunch." Nginitian niya ako at binaba ang hose.

"Sige po Wife." Akmang babatuhin ko siya ng tsinelas niya na pinahiram sa akin, ang laki laki ng paa ng lalaking 'to.

"Bakit mukha na ba akong may asawa sa dress na pinahiram ng Mama mo?"
Nagpanggap akong nagtatampo sa kaniya, hinila niya ako at niyakap.

"Mukhang magiging asawa ko." Namula ang mukha ko sa sinabi niya kaya tinawanan niya lang ako at hinila na papasok sa loob ng bahay nila.

Tatabi dapat ako sa upuan ni Kalvin, bale papagitnaan sana ako nila ni Kael, pero sinamaan ni Kael ng tingin ang kapatid at siya ang tumabi, tapos sa gilid na ako.

"Inaano kaba dyan kuya? Napaka-seloso nito." Umiling-iling nalang si Kalvin sa kuya niya at nanahimik na. Si Kael kasi hindi naman inaano ng kapatid tapos sinasamaan ng tingin.

Pagkatapos namin kumain, dinala niya ako sa bayan para mamalengke, another first time with him.

Lagi siyang naka-hawak sa akin, parang bata ako na ayaw nyang mawala sa mga tao. Bakit ganyan ka Kael?

Namili kami ng isda, sobrang langsa niya pero masarap sa feeling na manirahan ng ganito, simple lang pero halatang masaya sila sa ganitong buhay. Before, I thought shopping is my happiness, because I can buy everything I want. But now, my happiness is being with Kael, kahit simple lang yung bonding namin, it's the most precious part of my life.

"Everytime na bibili ka ng isda, make sure na sariwa." Tumango lang ako sa mga bilin niya sa akin sa pamimili ng vegetables and isda. Sobrang galing niya sa mga ganito.

Dinala namin sa bahay nila yung mga pinamili namin para daw yun sa dinner mamaya, then tinuruan niya ulit ako sa horse back riding. Sobrang hirap pero konti nalang makukuha ko na.

"Si Kalista lang ang gagamitin natin, kasi kabisado ko na siya. Baka pag ibang kabayo, malaglag ka." Pagpapa-alala niya sa akin. Pumunta kami sa bandang gubat ng province habang nasa harapan ulit ako ni Kael.

Dinala niya ako sa falls dito, grabe sobrang ganda. Pero walang tao.

"Bakit walang tao dito?" I asked him.

"Hindi ito alam masyado ng mga tao dito, since tago itong falls na 'to." Naghubad siya ng damit at tumalon sa tubig. I'm glad I'm ready for something like this, match ang two piece ko ngayon.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon