Chapter 8

1.5K 91 112
                                    

“Kanino galing 'to?”

I asked my classmates kasi nauna ako sa tatlo, so walang nakakita sa mga friends ko kung sino ang nag-iwan ng tulips at coffee sa desk ko.

“Hindi namin napansin eh.” Sagot ng isa sa mga kaklase ko. I just read the note na nakita ko sa ilalim ng tulips.

Goodmorning, Did you sleep well?
Since I'm courting you now, I will always put a flowers in your desk, so that you can start your day with a smile.

-K. V

Siya pala ang nag-iwan nito dito. Mainit pa yung kape kaya malamang kakalagay niya lang nito. Kinilig naman ako sa ginawa niya, muling nagsink-in sa akin na nililigawan na niya ako. Yung crush ko nanliligaw na sa akin? Paki-putol nga yung hair ko masyadong mahaba eh.

“Wow sana all? May pa-tulips ano meron?” Pag-usisa naman sa akin ng tatlo, lalo na si Cas.

“He's courting me.” Pag-amin ko na hindi mapigil ang pagsibol ng ngiti sa aking mga labi.

“The who?” Tanong naman ni Zades.

“Sino paba? Edi si Kael.” Pagkasabi ni Naih nun, nagtilian silang tatlo at inalog alog ako. Agad kumalat sa University na nililigawan na ako ng loverboy nilang singer na si Kael. Like? I'm proud.

Pagka-lunch break, nagtext sa akin si Kael.

From : Mr. Bump Guy

Where are you? Let's eat lunch together. I'm waiting outside your room.

Nagulat naman ako ng paglabas ko andun nga siya at naka-sandal. Aware ba siya na pinagtitinginan siya dito? Kulang nalang dukutin ko ang mga mata ng mga babaeng naglalaway sa kanya.

Ngumiti siya pagka-kita sa akin at hiningi niya ang bag ko na color pink, tapos sinukbit sa balikat niya. A walking handsome guy, holding a pink shoulder bag. Then why does he still look so manly?

Kumain kami sa labas ng school. Dinala niya ako sa isang karinderya. This is the first time na kakain ako sa ganito.

“I will order for us, alam kong hindi ka pa nakaka-kain sa ganito.” Pumayag ako sa sinabin niya, akmang ia-abot ko ang pambayad ko pero hindi niya yun tinanggap. Baka magkulang ang allowance niya kaka-libre sa akin.

Isa sa mga hinahangaan ko sa kaniya is, hindi siya maarteng tao. Lalo na at lumaki siya na hindi marangya ang buhay. I know na kung ako nasa posisyon niya, hindi ko siguro kaya. Sobrang madiskarte pa siya, nasa kaniya na nga lahat eh. Ako nalang ata wala. Charot lang.

Dumating na siya dala-dala ang pagkain namin.

“I ordered two dishes, this one is called adobo, and this one is called Kaldereta.” Pagpapakilala niya sa mga ulam na nasa harap namin.

“I already know adobo but not kaldereta.” Tinikman ko yung mga ulam and heaven. Ang sarap ng foods na 'to sobra.

“Pwede ba na dito na tayo mag-lunch palagi?” Naka-dalawang cup of rice na ako. Okay cheat day tayo.

“Ofcourse.” Natawa siya sa akin, halatang natutuwa siya na nagustuhan ko ang mga pagkain dito.

“Kilala mo ba ang may-ari nito?” I asked him.

“Nakilala ko sila kasi madalas ako kumain dito, pag ayaw ko ng pagkain sa cafeteria. Tipid din dito mas masarap pa. And yung may-ari si Aling Nene, sobrang tagal niya ng naka-pwesto dito.” Pagpapaliwanag niya.

“Oh ikaw pala yan Kael, kamusta na?” Bati sa amin ng pakiramdam ko ay si Aling Nene.

“Okay lang po Aling Nene, this is Cosette po. Nililigawan ko.” Napatingin sya sa akin at natutuwan niya akong nginitian.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon