Chapter 29

1.7K 73 98
                                    

“Please give me a chance to prove myself, I will court you again.”

He looks so dashing under the moonlight. Gustong gusto 'kong hawakan ang mukha niya. But this is not the right time to show him how I want him back so much. We should take it slow.

Tumango ako, at ngumiti siya sa akin. Bumalik na kami sa mga kaibigan namin, napunta sa amin ang atensyon nila.

Bago umupo si Kael, tumingin muna siya kay Nick. Ngumisi siya dito kaya kunot noong tinignan siya ni Nick.

“May the best man win.”

Pagkatapos niya sabihin 'yun ay umupo na siya sa dating pwesto at kumindat sa akin. Agad na namula ang aking mga pisngi, Kael what the hell are you doing?

“I'm also courting Sette, from now on.”


Nagsimula na kami ulit bumyahe pabalik ng Manila. Nakasakay pa din ako sa kotse ni Nick. Nag-vibrate ang phone ko, senyales na may mayroong message.

From: Kael

I'm jealous. I'm the one should send you home.

I didn't reply at pinigilan ang sarili na ngumiti sa nabasa.

“Is it Kael?”

Napalingon ako kay Nick dahil sa tanong niya. Umiling ako at tinago na ang phone ko sa bag.

“Don't worry, I'll still be your suitor. Like what he said, may the best man win.”

Ngumiti siya sa akin, pero alam ko na pilit lang ito. Hindi ko siya masisisi, binigyan ko ng chance manligaw sa akin ang taong mahal ko.

Nakarating na kami sa condo at bago ako bumaba, pinigilan ako ni Nick.

“Can I ask you a favor?” He looks bothered.

“What is it?”

“Let's date tomorrow, It's fine with me if you'll reject me. Just let me take you on a date.”

Ngumiti ako sa kanya at tumango, nagpaalam na ako sa kanya pagtapos nun. He looks so sad and gloomy, pagtapos niya malaman na pinayagan ko din si Kael na manligaw sa akin.


Pumasok ako sa boutique today, naabutan ko ang tulips and coffee sa table ko. Mainit pa ito, kaya mukhang kakadala lang.

“Galing kanino?” I asked my assistant, Shane.

“Mr. Kael po.” Tumango ako at napangiti, like the old times. Naalala ko noong college, palagi niya itong ginagawa with a note on it. Agad ko iyong chineck at may note nga.

My moon,

Good morning. Have a nice day ahead. Keep smiling, you look so beautiful with it. I love you.

-K.V

Napahawak ako sa kwintas ko na binigay niya kagabi. The moon pendat is indeed beautiful. Napangiti ako sa sarili at ininom na ang coffee.

I entertained a lot of customers today, madaming nagpapagawa ng iba't ibang klase ng gowns for different gatherings or events. Sobrang tiring ng araw na 'to pero I'm grateful na unti unti nang nakikilala ang Closette's.

Around 4 pm, dumating si Nick. Hindi siya naka-business attire ngayon. Ano kayang meron?

“Are you ready?”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at agad na naalala na may date nga pala kami ngayon.

“Saglit lang.”

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now