Chapter 3

2.2K 131 106
                                    

"Mag-iwan kaya ako ng love letter sa locker niya?"

 Nakatulalang sabi ko habang nilalaro ang pen ko.

 "Crush na crush talaga girl?" Natatawang tanong sa akin ni Cas. 

 "Na-kwento ko naman sa'yo 'di ba 'yung nangyari kahapon? Like, feeling ko may pag-asa talaga ako?" Nakaka-inspired pala pumasok araw-araw kapag may crush ka. 

"Uy grabe 'di ko kinaya katangahan mo kahapon ha?" 

Kinurot ko siya sa tagiliran, grabe talaga. Kaibigan ko ba 'to? Lunch break, pumunta kaming cafeteria para kumain. Ito na naman ang very best friend ko, hinatak na naman ako. Huli na nang malaman ko kung saan kami papunta ng nasa harapan na kami ng table nila Kael. 

 "Uy Cosette!" Bati ni Lander sa akin.

 "Hello Lander! Hi guys!" Bati ko sa kanila. 

Napatingin ako kay Kael na tahimik na nagbabasa ng kung ano sa libro niya. Lunch ah? bakit kaya hanggang cafeteria nagbabasa siya, akala niya siguro nasa library pa rin siya. Natawa ako sa sobrang seryoso niya. 

 "Anong tinatawa mo?" Nagulat ako sa tanong ni Kael, napalakas pala. 

"Cose! dito ka nalang sa tabi ko, 'wag ka dyan kay regla boy." Alok naman ni Lander sa akin.

 Naramdaman ko ang sama ng tingin ni Kael kay Lander, pagkatapos 'nun umurong siya ng kaonti at tinapik ang katabi niyang upuan. 

 "Here." Agad namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ang babaw pero kinikilig na agad ako.

 "Here daw girl, upo na ops sa upuan ah 'wag sa lap." Sinamaan ko naman ng tingin si Cas, not now but soon joke. Umupo na ako sa tabing upuan ni Kael at umorder na kami ng mga pagkain namin. 

"Paano i-pronounce 'yung Cose mo Cosette? Haba kasi kakapagod banggitin." Tanong naman ni Zico, may lahi  ata siyang chinese. I don't know but I guess? since Lim ang surname niya and chinito guy siya. 

 "Cow-zy, ganyan ko banggitin 'yung cose niya, wala lang trip ko lang." Sabi ni Cassy na panay ang kain. 

"Woah pangmayaman ang dating ah? cow-zy." Nagtawanan kami sa kalokohan ni Lander, pero agad din natigil nang may dumating para kausapin sila Zico. 

 "Hi Kael, I made a lunch for you." 

She's Danna, She's a member of cheerleading squad ng University namin. Dati ko pang hindi gusto ang attitude niya since nalaman ko na nangma-mock siya ng ibang students. Mas lumala pa ngayong she's trying to flirt with Kael. 

 "Made ba talaga? or binili sa labas?" Bulong naman ni Zico, napatingin sa kaniya si Danna kaya nanahimik agad siya. 

"I'm full." Maikling sagot ni Kael, paano ba 'yan busog siya?

 "Oh really? Sayang naman, I put a lot of effort in making this lunch for you. How sad naman." How sad naman duh. Bakit napaka-bitter ko? 

 "Sa akin nalang Danna! Gutom pa ako." Pang-aasar naman ni Cassy, kaya pinandilatan ko siya ng mata. Inirapan lang kami ni Danna, lalo na ako. 

Ang sama ng tingin sa akin ah? Nang makaalis na si Danna, we continued our lunch, nagku-kwentuhan kami. Medyo awkward kasi katabi ko siya pero tahimik naman so medyo okay din. I tried to open my bottled water pero sobrang hirap buksan. Nagulat ako nang inagaw sa akin ni Kael 'yung water then siya ang nagbukas. 

 "Next time kumain ka kasi ng madami, para hindi ka payatot." After that, he immediately left me, how rude this handsome creature is. Grabe lang, payatot? I'm sexy! I'm not payatot!

 "Wow naman, 11 words 'yun in one sentence Cose. Galing, paano mo napasalita 'yun ng ganun kahaba ng hindi dahil sa recitation?"

Nagtawanan kaming lahat, I don't know either malakas lang din siguro siya mang-asar. Luckily, ako 'yung napili niyang asarin. We parted ways after that. Nagu-usap usap na rin bawat courses kung anong booth ang itatayo nila for foundation day. 

Ang naisip ng course namin is coffee shop with a twist, kung sinong may same ng order na guy and a girl magiging mag-partner. Kaya ang gagawin ng booth namin, madami ang flavors para hindi magkakapareho lahat. Magiging mag-partner sila then bubunot sila sa isang jar ng magiging dare nila.

 I'm assigned to entertain the customer for two hours. I'll be serving them like what waitresses do. Then after that tutulong naman ako sa paggawa ng coffee. I'm excited since one-week na walang classes 'nun. Tapos tutugtog pa ang banda ng The Resistance. 

 "Alam mo nae-excite ako sa mangyayari sa Foundation Day like for once in a lifetime makakahinga ako sa mga schoolworks."

 Sobrang stress na ata talaga si Cassy sa mga nangyayari. Madaming requirements, sobrang overloaded mga schoolworks. 

 "Same, parang rest day 'yung utak natin in one week."

Starting from Day 1 of Foundation Day, maghuhulog ako ng letter sa locker ni Kael. At dun ako mas lalo nae-excite, feeling ko high school ako ulit. Madaming napag-usapan ang klase about foundation day, and sobrang bongga ang gagawin ng ibang courses kaya sobrang competitive namin.

 "Tara punta tayong mall?" Yaya sa akin ni Cassy na agad kong sinang-ayunan wala naman akong gagawin sa bahay dahil maaga pa naman.

 Pero medyo makulimlim ata, mukhang uulan. Paglabas namin nakita ko si Kael na naghihintay sa waiting shed, nakikinig sa earphones niya. 

"Pwede pass muna Cas?" Kinikilig naman 'yung isa kaya pinayagan agad ako. Agad akong tumabi sa tabi ni Kael, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napakasungit talaga nito.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, ang lamig. Napatingin sa akin si Kael, at inabot ang kabila ng earphones niya. Tinanggap ko naman agad 'yun. 

 Now Playing: Cheerios & Chocolate Milk by Theo Kandel 

 I love his music taste. It felts like his playlist speaks what his heart wants to say. Kung gaano siya katahimik, parang though music nilalabas niya 'yung mga gusto niya sabihin. 

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa ulan. 

 "Uhm, Nakita kasi kita-" Naputol ang sasabihin ko nang nagsalita siya ulit. 

"Baka maligaw ka na naman, baka ibang tao na kasama mo sa bus." Nag-aalala ba siya? 

"Huwag kang ganyan mas lalo kitang-" 

"What?" Kunot noong tanong niya sa akin parang naguguluhan. 

 "Mas lalo kitang nagiging crush." Nagtakip ako ng mukha sa sobrang kahihiyan. Ano na naman 'to Cosette? Napatawa siya sa narinig. 

"Mawawala rin 'yan." saad niya. Tumuwid na siya ng diretso, at tinignan ako. 

"Tawagan mo na ang sundo mo. Mag-aantay ako hanggang sa makaalis ka. Doon lang ako sa dulo." Turo niya sa gilid. 

 "Pwede bang dito ka lang? Habang wala pa 'yung sundo ko?" Tinignan niya muna ako sa mata bago siya bumalik ulit sa pagkakaupo niya kanina. 

"Salamat. Goodluck nga pala sa Foundation Day ha? Magche-cheer ako dun." I smiled at him, nagulat ako nang ngumiti rin siya ng tipid. 

Gwapo naman nito, lalo na pag ngumiti. Grabe ka naman Kael. Muli kaming natahimik at nakinig na lamang sa kanta. Iba pala ang pakiramdam pag nakahanap ka ng comfort sa katahimikan, kasama 'yung taong komportable ka. 

As the rain stops from pouring, dumating na 'yung sundo ko. I smiled at him as a goodbye, then before ako pumasok sa kotse, ang huling tatlong salita mula sa kaniya ang muli kong iisipin bago ako matulog. 


"Aasahan ko 'yan."  

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now