Chapter 24

1.5K 60 38
                                    

“Maganda din pala ang result ng pagpunta mo sa Quezon.”


Hindi ko din akalain na ganoon nga ang mangyayari kahapon, I can't still believe na okay naman ang pakikitungo sa akin ni Kael. I thought he will blew me away, pero siguro naisip niya na we are matured enough to move on from the past.

“So tuloy ka pa din sa operation win him back?”

“Oo naman, kahit wala na siyang feelings sa akin. Gagawin ko pa rin ang lahat para bumalik yung feelings niya sa akin.”

Napatingin si Cassy sa akin at tumango. Alam kong naiintindihan niya ako. Madalas na kami ang magkasama dahil kami pareho ang single, at yung dalawa busy sa modelling at boyfriend nila.


“Omg.”

Napatingin ako kay Cassy na busy sa pag-scroll sa phone niya. May nabasa ata siya na kakaiba at ganyan ang reaction niya. Kunot noo ko siyang tinignan.

“Cose, may sasabihin ako hindi ko alam kung aware ka dito pero si Kael kasi simula nung sumikat siya madalas na siya ma-link sa mga sikat din na celebrities. I don't want to conclude anything pero protect your heart, baka marami siyang ka-fling.”

Nasaktan ako sa narinig, kaibigan ko si Cassy at alam kong iniisip niya lang ang mararamdaman ko. She's saying it kasi yun yung nakikita niya, maybe 'wag muna nga ako mag-assume ng kung ano ano.

“Last time na nabasa ko is na-link siya sa isang model ngayon naman, sa anak ng may-ari ng company nila.”

Nanlumo ako, kahit rumors lang ito.

“They have seen having a dinner date sa isang fancy restaurant, he seems to care towards the girl. Inaalayan niya pa ito maglakad. I'm sorry, Cose.”

Napaiyak ako at pinahid agad yun, baka karma ko na din 'to sa pag-iwan sa kanya noon.

“Are you still gonna win him back?”

Tumango ako at ngumiti ng pilit. I don't easily give up, lalo na ngayon at walang pumipigil sa amin.

Naging busy ako buong araw kaya hindi ko na napansin ang phone ko.

10 missed calls.

10 unopen messages.

From: Kael

Where are you?

From: Kael

Are we having lunch together?

From: Kael

Why aren't you replying?

And the rest puro din sa kanya, ngayon ko lang napansin na hapon na at hindi pa ako nakaka-kain ng lunch.

Napatalon ako sa gulat nang tumawag si Nick.

“Nasa boutique ka ba?” He asked.

“Yes, why?”

“Can I come over? I just wanna ask you  a favor personally.”

“Sure, but can you buy me some foods, I forgot to eat lunch. Bayaran nalang kita dito.”

“No worries.”

Ilang minuto lang ay dumating na si Nick, madami itong dalang pagkain.

“Magkano lahat? Bakit ang dami?”

“Wag mo na bayaran, my treat. Kakain din ako.”

Kumain na kami then kung ano ano ang napag-usapan namin. Kahit yung mga kalokohan namin sa States, binalikan namin kaya tawa ako ng tawa. Sobrang epic kasi that time, na-late kami sa isang class, pero hinatid niya muna ako sa room ko. Nagalit yung mataba naming prof then nagmura si Nick in tagalog. Narinig ng kaklase namin na alam ang mura in tagalog so akala ng prof ko minura namin siya, ang ending one week kaming pinabasa sa library ng related sa etiquette after class.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now