Chapter 30

2K 82 99
                                    

“Kinikilig ako for you guys.”


Nandito kami ngayon sa boutique, pinuntahan ako ng girls at sakto naman dumating si Kael na may dalang flowers.

“Sana all may jowa. Ako nalang talaga ang wala sa ating apat grabe ka, Cose. Iniwan mo ako.”

Napatawa kami sa sinabi ni Cassy, pumunta sa gilid ko si Kael at inakbayan ako.

“Shit, sana all may Daddy Kael.”

Humagalpak kami ng tawa dahil sa sinabi ni Cassy with matching kagat labi pa 'yan ng sinabi niya.

“Magbalikan na kasi kayo ni Zico.”

Suhestyon naman ni Zades pero kumunot lang ang noo ni Cassy.

“Ha? Sino yun?” Inirapan namin siya at hinayaan nalang sa pag-acting niya.

“Let's go?” Pagyaya sa akin ni Kael.

“Hoy saan kayo?” Sabi naman ni Naih.

“Date.” Pagmamayabang ko sa kanila at tinalikuran na sila. Nang-aasar naman ito at panay sabi ng “Sana all.”


Napag-desisyunan namin na sa EK ulit kami, it was our favorite place before. Sobrang happy kasi ng ambiance sa mga amusement park.

Pumunta kami sa bilihan ng hotdogs at bumili, kumain na ako at puro kalat ako sa gilid ng lips ko kaya pinicturan ako ni Kael.

“Hey ang dugyot ko dun.”

Tumawa lang siya and he typed something on his phone. Sumilip ako at nanlaki ang mata ko na ipo-post niya iyon sa instagram. Kailan pa siya gumawa ng new account?

“Gumawa ka ng new account?”

“No, this is the old one. I can't delete our pictures together before.”

Namula ang mukha ko, mali pala ang hinala ko na baka dinelete niya na ang instagram account niya.

“Why? you deleted your old account?”

Umiling ako at nagsimula na kami mag-ikot ikot. Niyaya ko ulit siya sa roller coaster, pang-ganti lang doon sa picture ko na mukha akong patay gutom.


Pinipigilan niya ako pero hindi ako pumayag, namutla na siya nung makasakay kami. I held his hand. Namumuta na talaga siya at agad siyang pumikit noong umandar na ito.

“I love you Sette!” Sigaw niya ulit like before para itago ang kaba, tinawanan ko lang siya. Nakikita na kami ng mga tao, alam nilang si Kael Valdez ang kasama ko.

Pinicturan ko ang mukha niya na epic, tawang tawa ako at agad na tinago ang phone at baka malaglag pa.

“I love you Kael Valdez!”

Ngumiti siya pero agad na pinaltan iyon ng kabado niyang mukha. Nakababa na kami at nagmamadali ulit siyang mag-cr para sumuka.

Nakakaawa ang mukha niya pagbalik kaya pinipigilan ko talaga tumawa.

“Things I can do for you, baby.” Tinawanan ko lang siya ulit at inopen ang old account ko sa instagram. Nakita ko agad ang post niya.

My picture na kumakain ng hotdog, he even caption it with “My baby eats like a pig.”

Kakabalik lang ng account niya pero agad dumami ang mga followers niya, agad iyong umabot sa million. Sobrang sikat nga ng lalaking 'to, nakita ko ang mga old pictures namin. Nakakatuwa na andun pa din iyon.

Nag-post naman ako ng picture niya kanina sa taas ng rollee coaster, I tagged him and caption it with “My baby pukes like a pregnant lady.”

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now