Chapter 18

1.4K 70 54
                                    

“It's been six years, Cosette!”


Sigaw ni Naih at tumakbo sila sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Sa kanila kasing tatlo kay Cassy lang ako nakikipag-usap, ayoko masira ang relasyon nila ngayon sa mga kaibigan ni Kael dahil lang sa amin.

“We missed you.” Malungkot na sabi ni Zades, at umiyak sa harapan ko. Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa likod na nila Naih ang boys, agad akong nag-iwas ng tingin at pinatahan si Zades.

“Welcome back.” Sabi ni Zico na may tipid na ngiti, it's fine kahit casual nalang kami. Hindi na katulad dati na sobrang close, alam kong tampo or galit sila sa akin dahil sa pang-iiwan ko sa bestfriend nila.

“Thank you.” Ngumiti ako sa kanila, maging sa kanya. I missed you, Kael. Gustong gusto ko sabihin yan pero, wala na akong karapatan. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin, tinapik niya sa balikat ang boys at umalis.

Nagpatuloy ang celebration namin, medyo okay na din naman kausap sila Zico. Pero hindi pa ako ready i-explain sa kanila ang nangyari noon.

“Kamusta lovelife nyo?” Nakita 'kong magka-holding hands sila Naih at Lander tapos si Zades at Darrel din. Pero nasa tabi ko si Cassy at hindi sila magkatabi ni Zico.

Lumayo kami sa kanila at kinausap ko si Cassy.

“What happen?” I asked her. Alam nya na ang ibig 'kong sabihin kaya tumawa siya ng peke at umiling.

“We broke up.” Nanlumo ako sa nalaman, 5 years din sila anong nangyari?

“May nangyari lang siguro na pareho naming hindi na kaya i-handle together. Napagod, pero okay lang nasa stage na din naman ako ng pagmo-move on.” Tumango ako sa sinabi niya at hindi na siya masyadong inusisa, dahil kilala ko si Cassy nago-open up siya pag hindi niya na kaya.

“Let's enjoy this night then? We're both single pala!” I said and hinatak ko na siya sa dance floor, nakipag-sayaw na kami sa kung sino sino doon at wala ng pakialam kung hindi namin kilala. Naramdaman ko ang matatalim na titig sa likod ko, nilingon ko pero wala akong makita sa sobrang dilim ng parteng sa mga table.

“Wanna dance?” Someone grab my waist and bumulong siya sa akin. He continue touching my waist hanggang sa nakapa niya ang maliit na tattoo sa likod ng waist ko, it's a capital letter K. You know what it means.

“You're so sexy.” He said huskily, I just don't mind him. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at nilapit ang bibig sa leeg ko, mas naramdaman ko ang mabibigat na titig sa akin. Hanggang sa tumilapon na sa sahig ang kasayaw ko dahil sa malakas na suntok.

Nagkagulo ang crowd, nakita ko din si Zico na hatak hatak si Cassy. Galit na galit si Zico, ano kayang nangyari? Napalingon ako sa sumuntok sa lalaking kasayaw ko.

“What's your problem bro?” Nagalit na din ang kasayaw ko sa lakas ng suntok sa kanya, I saw Kael's shaking, galit na galit siya. Parang gusto na nyang itapon ang katawan ng lalaking kasayaw ko, akmang hihilahin ako nung guy pero mabilis na hinatak ako ni Kael. Damn, he's fuming mad. What the hell did I do?

“Bitiwan mo nga ako!” Agad akong nagpumiglas pero mariin ang pagkakahawak niya sa akin.

“You have really the guts to dance with a stranger huh. 'Yan ba ang natutunan mo sa anim na taon?” Halos malaglag ang panga ko sa tanong nya, ano bang pakialam niya?

“I can't believe this. Sinuntok mo yung guy sa dance floor tapos hinatak mo ako dito without any valid reason. Ano para itanong sa akin yan?”

“Umuwi kana, ihahatid kita.” Sabi naman nya na hindi ko sinang-ayunan hinatak ko pa ang braso ko.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon