RMD XVI

38 4 5
                                    

"Let's go, miss- I mean Abcde!" Nagmamadaling sabi sakin ng amo ko pagkatapos niya akong hawakan sa pulsuhan at hinihila palabas ng Renford papunta sa parking.

Ano na naman kayang tililing ang meron 'to ngayon?

"What's the rush? Saglit lang," Sabi ko habang inilalagay yung enrollment documents namin na naka-folder sa tote bag ko.



Oo, enrolment: natuwa kasi si Razael sa performance ng anak niya kaya he decided to enroll him again, but this time isang buong sem na.

Pagkatapos kong ilagay yung folder ay tumingala ako ulit at tumambad sakin ang naka-pout kong alaga habang hawak-hawak ang nakabukas na pinto ng shotgun seat tila at hinihintay ako.

Nagpapacute nanaman si doggie pero infairness, pwede na.

Naglakad na ako papunta sa kanya at habang papalapit ako ng papalapit ay ganun rin lumalaki ang mga ngiti niya. Nang makarating sa harapan nito ay iniwasan ko siya ng tingin at patagong ngumiti habang papasok ng sasakyan. Nakakainis lakas makagwapo ng ngiti niya.



"Where are we going, Mr Rembrandt?" Pilit na straight face na tanong ko ulit nang makapasok ito sa kotse.

"Lose the 'Mr', Abcde." Nawala ang ngiti sa labi niya bago niya sabihin yun. "You'll see when we get there." Sabi nito bago istart yung ignition ng kotse. Binuckle ko yung seatbelt ko at nagkibit balikat na lang dahil gusto ko na rin naman na umalis dito.

Pinaandar na niya ang kotse at natuon naman ang pansin ko sa mga kaklase naming papalabas pa lang papuntang parking dala-dala ang mga completion papers nila.

Nag-aya sila kumain to celebrate at laking papasalamat ko na agad din naman tumanggi ang amo ko.



I've always kept it lowkey in class. I don't want to meddle in their stuff nor making my existence known because being here in Renford is figuratively walking into a crocodile's mouth.



Bago pa makalayo ang kotse ay dumako ang tingin ko sa dalawang lalaki at isang babae na kaklase naming nagtatawanan. God knows what they would do if they knew I was the daughter of the man who allegedly killed their fathers and I'm still here, enrolled for another sem, walking yet again into the crocodile's mouth, all for the sake of the son of the man who framed and killed my father.

I tried to suppress my madness as I catch a glance at him driving. He returned the glance at me and smiled.

In just a snap my tensed shoulders calmly soften and my clenched fist loosened.

Binawi ko naman ang tingin ko sakanya at bahagyang pumikit. His smiles feel like a drug to my system: it's addicting yet calming, and I am not in the business of denying that but this has to stop, Celestine.

Nanahimik na lang ako at halfway sa ride namin ay nagsalita ang alaga kong kanina pang walang imik habang nagmamaneho.



"I'm sorry." Tinignan ko siya at hinihintay ang susunod nitong mga sasabihin. "For dragging you to study at Renford, pero I guess you won't be staying long naman." Sabi nito habang nakatutok pa rin sa daan.

"W-What do you mean?" Tanong ko. Nabasa ba nito mga iniisip ko or did I say it out loud?

"Our deal, you asked for three months remember?" I saw him try to keep his act. "Tomorrow marks the start of one out of three..." Mahina at malamig na sabi nito. Naalala mo pa pala yun?



Hindi ako makaimik at nanatiling nakatitig sakanya. I want to see his eyes, but I can't just pull him to look at me while he is driving.



Rembrandt Must DieWhere stories live. Discover now