RMD VIII

41 2 2
                                    

Hinugasan ko ang mga pinaglutuan ko at inihain ang niluto kong sinangag, sunny side up eggs, hotdogs, tocino at chicken soup. Lumingon ako sa lalaking kakalabas lang ng kwarto. He is in his usual robe, topless, and boxers only outfit. Sa halos mag-dadalawang buwan kong nakatira dito nasanay na ako makita siyang ganyan.

"I thought I smelled something," Mahina niyang sabi habang kinukusot ang mata.

"I cooked breakfast since it's your first day today," Sabi ko at bahagya siyang tinalikuran habang hinuhubad yung apron na suot ko.

Naramdaman ko naman na umupo siya agad at nang lingonin ko ay nakangiti ito habang nagsasandok. Umupo rin agad ako sa harap nito at nagsandok din ng akin.

"Sarap ba Mr. Businessman?" May halong pangaasar na tanong ko.

"Architect," Mahinang sambit nito na may kasama pang masamang tingin.



Naging tahimik ang breakfast namin kasi halos di rin siya makapagsalita dahil puno palagi ang bibig. Hinayaan ko na lang din dahil hindi naman kami nagdinner kagabi, ay siya pala hindi, busy kakaedit ng presentations. 

Nauna akong matapos at pinanood ko lang siya kumain habang nags-scan sa dyaryo niya.

Speaking of, yung amo ko lang ata yung kilala kong mayaman na nagpapadeliver pa every morning ng newspapers. Dinedeliver ito ng mga guards at naging habit ko na rin na kunin iyon sa doorstep ng penthouse tuwing umaga. It's like an old man is trapped inside of him.





"I'll throw them in the dishwasher." Sabi nito habang nagpupunas ng tissue sa bibig.

"No just get ready today is a big day, 8AM pati na rin baka malate pa tayo sa tagal mo," Pahinang-pahina kong sabi. 

Paano ba naman kasi, proven and tested na mas mabagal siyang kumilos sa umaga mga sis, daig pa ako. Akala mo naman may pagpipilian na damit, parati lang naman na loose polo longsleeves na solid color, trousers at ang signature suspenders nito.

"What?"

"Nothing, ako na bahala." I sarcastically said with a smile, para hindi halata mga mars.

"T-Thank you, really." Mahina at nauutal na sabi niya bago tumayo at naglakad papapuntang kwarto niya.



Pinagmasdan ko itong lumayo sakin at napangiti muli. After all this is a big day not just for you, but as well as for me. There wouldn't be any reason for me not to be in the main building of the Alferez Inc.



***



Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at dinampi-dampi ang make up powder na iniregalo sakin ni Sir Royce sa mukha ko. Marunong naman ako magmake up, hindi lang pang-araw araw para sakin at lalo na on duty. Kuntento naman ako sa maputing kutis, maliit na matango na ilong, maliit na mamula-mulang labi, at ang hindi kasingkitan na mata ko.

Tumayo ako at inayos ang all white kong slacks at coat at maging ang blouse ko sa loob. Itinali ko rin ang itim na itim kong buhok at pinaraan ang labi ko ng nude lipstick. Sinuot ko for the first time ang salamin ko, at hindi ang contacts because I don't think that there will be any chaos naman.

It's funny that even sa loob ng building ng mga Alferez ay kailangan ko pa rin bantayan ang pinakamamahal na anak.

Lumabas ako sa kwarto at bumungad na sakin ang pabango ni Rembrandt trailing off papuntang sala. And even after two months I still could not get enough of it, the scent is oddly very familiar.

Rembrandt Must DieWhere stories live. Discover now