RMD XI

52 3 9
                                    

"Bistro Acadia?" Tanong sakin ng amo ko matapos kong maipark yung kotse sa tapat nito. Tinanguan ko lang siya bago pinatay yung ignition ng kotse at lumabas.

Lumabas na rin siya at as usual paglabas ng kotse ay nag-s-stretching: may katangkaran kasi ito. Naglakad ako papunta sa gilid niya at hinarap siya sakin. Tinignan ko ang mukha nitong confused af at wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga habang trine-trace ng thumb ko ang bangas nito. You don't really have to do that for me.



"May I?" Mahinang tanong ko at inilabas yung necktie na binili ko para sa gabing 'to.

"Huh? For what Ms Sevierre?" Kunot noong tanong niya. It can be my weapon of choice if you want, dumbass.



Hinila ko siya mas palapit sakin and his manly scent intoxicated me again. Sinimulan ko nang i-knot yung necktie niya at nang matapos ay lumayo din agad ako. With necktie or not, you're still serving business in your looks.



"We'll be having dinner with someone." Pag-iinform ko sa kanya habang inaayos yung black coat na suot ko.

"Oh shit- we'll be having dinner with my dad aren't we? Is it? Because he called me and hindi ko sinagot." Medyo nagpapanic niyang sabi habang nag-aambang buksan yung phone niya.

"No dumbass," I blurted out. Agad naman itong napatingin sakin at umiwas ako, "I mean Mr. Rembrandt, we will not be having dinner with your father." Sorry na, hehe ang kulit kasi e.

"Then who is joining us for dinner?" Pumamewang nitong tanong. The iconic pose ni Rembrandt Alferez, pft.

"Someone even better," Sagot ko at hinila na siya papunta sa bistro.



Pagpasok namin ay sinalubong naman kami agad ng receptionist. "Good evening, madame et monsieur. May I know whose name is under our reservation?" Magalang na tanong nito. Naramdaman ko naman na tumingin sakin si Rembrandt at bahagyang nagtago sa likuran ko. Parang bata.

"7:00PM reservation for three under Abcde Sevierre, please." Sagot ko at agad namang tinype iyon ng babae sa desktop nila.

"Oh, this way po." She lead us sa table namin at binigay na rin ang menu. "If you're ready to order, please feel free to call on Mike. He will be assigned to you for the rest of the night." She then pointed out yung waiter na hindi nasa kalayuan, ngumiti at nagbow yung Mike samin.

"Pst. Ms Sevierre," Tawag niya sakin pagkabukas niya ng menu. "The foods here are pretty expensive. Sure ka ba dito?" Bulong niya at tuluyang tinigil ang pagtingin sa menu para tingnan ako.

Hindi, akala mo ba ikaw lang nagdadalawang isip.



"Pero sabagay kakasweldo mo lang kay dad." Aba loko, ano balik ko lang sa pamilya niyo sweldo ko? "Sana all, on time yung sweldo." Pagbibiro niya at sinamaan ko lang siya ng tingin. Napailing ako sa narinig ko at nagpigil ng tawa.

Well from what I know, tatay niya rin nagpapasweldo sa kanya but I don't know the figures; besides that, lahat naman ng gastos niya si pareng black card yung may sagot.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagtitingin ng pagkain. "Ms Sevierre," Rinig kong tawag sakin ng isang matandang lalaki. Agad napatayo si Rembrandt sa dumating at tumayo na rin ako para salubungin siya.

"Sir Hofstadter," Nauutal na sabi ni Rembrandt.

"Your presence still struck my clients Sir Montgomery." Ngiting bati ko sakanya bago siya alalayan paupo.

Rembrandt Must DieWhere stories live. Discover now