RMD I

143 3 3
                                    

"And saving the best for last, the only Magna Cum Laude, the batch valedictorian, hailing from Department of Criminal Justice under Bachelor of Forensic Science, Ms. Abcde Sevierre!" Pumikit ako at huminga ng malalim nang marinig ko ang pangalan kong tinatawag sa stage.


Celestine Abcde de Asis: Yan ang tunay kong pangalan, yan ang gusto kong marinig pero hindi muna ngayon. Hindi muna pwede. Dumilat ako at tumayo sa kinakaupuan ko, kasabay na nagsitayuan ang lahat at pinuno ang auditorium ng palakpan habang naglalakad ako papuntang stage.


Hindi ko mapigilan ang luha ko sa bawat yapak papunta sa mga admin na sumasalubong sakin at kinakamayan ako. 


"Are you alone, hija?" Nagtatakang tanong ng Director ng University at parang isang baliw natawa ako ng mahina.


"Yes she is, Director. Come here Ms. Sevierre," Napatingin ako kay Atty. Floresca, ang dean ng college namin na hawak-hawak niya ang medalya ko. Halata mo sa kanyang mga mata ang saya at awa nito sakin.


Lumapit ako sakanya at binigyan siya ng ngiting nagpapasalamat. "I knew that you'd make it." Bulong nito sakin at tsaka sinuot sakin ang pagkabigat-bigat na medalya. Tumulo ang luha ko at pinunasan naman niya ito. Magsasalita na sana ako ng pigilan niya ako. "Save it for your speech," She laughed and pushed me a little to the platform.




Humakbang ako papunta sa platform at tinap yung mic. "It is such an honor for me to stand here in front of all you..." Panimula ko.

Lumibot ang aking tingin pero napako ito sa direksyon kung saan taimtin na naghihintay ang mga taong nasa bandang likuran at itaas na espasyo, mga taong gusto na matapos ang seremonyang ito at pumunta sa kanya kanyang selebrasyon na inihanda nila sa mga batchmates ko. Sana all.



"It was difficult, it was never easy..." Klinaro ko muli ang boses ko ng maramdaman na ang unti-unting pagsikip ng dibdib.


Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naman sukat akalain na makakatungtong ako dito. Hindi na nga dapat pa ako humihinga katulad ng mga magulang ko pero eto ako ngayon, nasa harapan ng halos dalawang libong katao at paniguadong kunyaring nakikinig sa mga sinasabi ko.



"Now that we are all in our twenties, I cannot help but fathom the long journey ahead of us; this is just the beginning," I cannot help but shut my eyes as I sink to the thought of meeting the man that took everything away from me last night. I have finally begun the plan that I have prepared for years.



Pero paano nga ba ulit ako nagsimula? Bakit nga ba ulit ako nandito sa harapan nila?


Sampu, di ko sukat akalain na yung ika-sampu kong kaarawan ang huling pagkakataon na magiging masaya ako tuwing sasapit ang araw na iyon.


Labing-isang taong gulang ako nang mangulila ako sa ama at ina ko. Walang tumanggap sa aking kamag-anak dahil raw ayaw nila sa anak ng isang mamatay tao, baka daw patayin sila nito sa kanilang mahimbing na pagtulog.

Rembrandt Must DieWhere stories live. Discover now