RMD XII

46 3 2
                                    

Maaga akong nagising para magprepare ng simpleng breakfast namin ni Rembrandt for this is the least I could do since siya hindi talaga siya pumalyang mag-grocery. Inihanda ko yung simpleng tapsilog na niluto ko at kinuha yung morning newspapers niya sa may doorstep namin. Part-time yaya na talaga ako, charot lang.

Bukod naman sa luto ay wala na akong ginagawa, every week may pumupuntang cleaner para maglinis. Pansin ko rin na kahit kalalaking tao ng amo ko ay hindi ito makalat sa gamit.

"Good morning, Ms. Sevierre." Oh, speaking gising na ang kamahalan.

"Good morning, Mr. Rembrandt." Pak, parang mag-officemates lang ganon, may pa Miss at Mister.



Tumingin siya sa table at ngumiti, umupo ito agad at tumingin muli sakin para bang nagpapaalam na palamunin na siya. I smiled and nodded back, I then sat in front of him and watch him eat as he reads his morning news.

I have really gotten used to this view: a topless man in his boxers and bathrobe while eating breakfast.

Naiimagine ko nalang kung gaano kaya kalaki ibabayad sakin ng mga employees niya o ng mga students sa Renford for a snap of this view. Napayuko na lang ako at napasubo ng pagkain kasi hindi ko mapigilan mapangiti sa naisip ko.



"Uy nga pala," Napatingin ako sa kanya pagkatapos kong malunok ang kinakain ko. "Happy third monthsary." Nakangisi niyang sabi kaya napakunot ang noo ko. Ano na naman pinagsasabi nito, third ano?

"It's been three months since I've met you." Explain niya. Nagets niya na siguro yung facial expressions ko.

"It's 8th of the month?" Tanong ko. Wow, I am seriously losing track of time.

"It is." He sipped a little water from his glass. "Dinner tayo mamaya, fiancée?" Natatawang sabi niya.

"We'll see Mr. Opportunista, it's our last month sa Renford at ang dami nang requirments." Pagsesegway ko. Kasi hala siya, hindi na nakaget-over sa kalokohan last week.

Nagpout ito at nanahimik na lang dahil narealize niya siguro na talo na siya. Humikab siya at inayos ang glasses niya bago muli nagbasa at kumain.

"Tsk. Sobrang incompetent naman ng government natin. Umutang nanaman, tas tayong generation hanggang sa pagtanda natin ang magbabayad." Sabi nito habang umiiling-iling. Kita niyo, kaya di ko na kailangan ng social media o tv dahil may newscaster na ako every morning. Topless pa kamo for free, char.



***

Bumusangot na ako pagkapatak ng 7:50- wala na late na naman kami. Sabi sainyo mas babae pa talaga 'to sakin. Sumilip ako sa kwarto niya at nagmamadali itong mag-ayos ng kama. As usual.

"Can I just ask?" Tanong ko pagkasakay namin ng kotse ng amo ko.

"Lay it down for me." Sagot niya at yumakap ang isa niyang braso sa likuran ng seat ko para tumingin sa likod habang nagre-reverse yung kotse. Dumefine ang muscle niya leeg at umigting ang jawline nito. Sexy, parang ang sarap sakalin soon.

"You were asking?" Tanong nito nang makaatras na siya ng maayos at nagdrive na palabas ng heights. Snap out of your imaginations, Cid.

I cleared my voice and looked at him once more before looking away sa window. "You can never leave your bed undone kahit late na tayo, no?" Tanong ko sakanya. This man could never leave his bed a mess kahit malate kami sa classes.

Rembrandt Must DieWhere stories live. Discover now