RMD XXVI

16 2 0
                                    

"You go ahead," maikling sabi ni Klyde tsaka binuksan ang pintuan ng kotse para sa akin.


Nag-alangan akong pumasok, at pinagmasdan ko ang mga malalamig na mata ni Klyde na para bang nawala ang kinang simula ng paglabas namin sacruise. Hindi ko pinahalata na bumagsak ang tingin ko sa mga labi nitong namumula. Why did I get the need to be kissed by you before everything else fades again?

Sa huli ay pumasok ako ng kotse at agad din naman niya sinarado ang pinto. Umandar na ang kotse pero hindi pa din nawala ang paningin ko kay Klyde hanggang sa lampasan na ito ng kotse.


Ibinaling ko ang pansin ko sa cellphone kong punong-puno na ng e-mails, missed calls, at messages. Bumungad sa akin ang email ni Sir Royce, pagpapatungkol sa business-con na 5 hours before we arrived lang nasend. It was stated there that the con would run for about 1 week and that I should report to work in the next couple of days. I wonder how mad Bryton is right now.


The 10 missed calls were from my landlord, and there were a couple of messages from Atty. Floresca and Hunter. I bit my lower lip as I read them one by one but did not bother to reply. Welcome back, Abcde Sevierre.



"Ma'am Sevierre, pasensya na po ah. May ginagawa kasing daan sa Favel street kaya medyo ma-traffic papasok sa Primrose," sabi ni Sir Nestor na assigned driver para samin ni Klyde.

Sasagot na sana ako nang magsink in sakin na hindi ko kasama si Klyde. Mahigit one-week pala na walang mambubuwiset sakin: in short coming home to Primrose would be pointless.


"Sir Nestor baka pupwede niyo nalang po ako ibaba diyan pagka-kanan niyo," pakiusap ko. Magsasalita pa sana ito ngunit inunahan ko na. "Ako na magsasabi kela sila Sir Alferez, tutal naman ho hindi ko kasama ang anak niya."


"Ah sige po, ma'am," sabi nito at napakamot nalang sa ulo.




"Hija, ikaw pala yan! Ang tagal kitang hindi nakita!", salubong sakin ni Nanay Celia na napatigil sa pag-padlock ng gate. "Dito ka na ba ulit titira o napa-uwi ka ba sa mga tawag ko?", tanong nito pagkatapos mapansin ang maleta na hinila ko at tsaka umakmang bubuhatin ito para tulungan ako.


"Wag na po- kaya ko na po ito, tsaka po one-week lang po ako magsstay dito," sabi ko bago ko binuhat ang maleta at nagsimula na umakyat.


"E eto nga hija may pumunta dito na tiyahin mo at ang tiyuhin mo daw ay critical ang lagay sa hospital, pabalik-balik nga nung nakaraang linggo," Nag-umpisang paliwanag nito habang sinusundan ako paakyat. "E muntik ko na nga ipabaranggay kasi nag-aamok at pinagtataguan mo daw ngayon na may trabaho ka na."


"Pasensya na po kayo nay ha," sabi ko at hingal na ibinaba ang maleta sa tapat ng pintuan ko. "Kakausapin ko po sila. Pasensya na po kayo ulit," paghingi ko ng paumanhin. Na-heads up naman na ako ni Atty Floresca tungkol sa nangyari, and I'll have to meet her one of these days.


"O siya sige, matulog ka na at gabi na. Nako, sobra kitang namiss at alam mo naman na para na rin kitang apo." Napangiti na lang ako pagkatapos niya akong talikuran at naglalakad palayo.

Rembrandt Must DieWhere stories live. Discover now