RMD XIV

54 2 2
                                    


"You're home, Ms. Sevierre."


Nalulunod ako sa amoy niya: it's the perfect balance of his little sweat, signature perfume and the faint smell of his ironed clothes. Hindi ko sure kung nag-iimagine ako pero humihigpit pa lalo ang yapos niya sakin.


Triny kong kontrolin ang paghinga ko dahil ayokong gumaya sa kanya na rinig na rinig ko ngayon. It's beating fast as if we're riding a rollercoaster. He was just surprised, Cid.


I adjusted my head a little going upwards to give me more space to breathe in. I immediately regretted that because now his neck is drowning me more of his scent. Bakit ba napakabango talaga ng hayop na 'to?


Hindi ko rin alam kung anong sinabi niya but I felt him murmur a word at the very least. Baka imagination ko lang din. I faked a cough then he broke his embrace. His eyes of relieved turned into shyness. Real cute, Klyde.



"I-ah... I'm sorry." He says awkwardly and took a half step backward. Nagpigil ako ng konting tawa dahil sa ginawa niya at napako sa isa't isa ang mga mata namin. I saw his adam's apple moved before turning his eyes away. Why is he red?


"I'll let you rest Ms. Sevierre..." He declares after clearing his throat once more.


"Thank you," At napatingin na siya ulit sakin. "Nice to see you again, Mr. Rembrandt," Nakangiting sabi ko at iniwan na siyang nakatayo.



It's nice to see you alive and well, Klyde.



***


Napabalikwas ako sa kama nang marealize na ang odd na wala akong alarm na naririnig na tumutunog, parang hindi ako kampanteng pumikit ulit.


"Shit." Mahinang sambit ko nang makitang quarter to 9 AM na. May meeting pa naman ngayon si ano, si Sir Klyde.



Tumayo na ako sa kama at sinuot ang glasses ko, medyo ramdam ko pa din ang bigat ulo ko at ang hapdi ng sugat ko sa gilid ng noo.


Lumabas na ako ng kwarto at tahimik ako nananalangin na sana ngayon umiral yung kabagalan niya para makahabol ako sa pagprepare. Pero teka, gising na kaya yun? Kumain na kaya siya?



Nasagot lahat ng tanong ko nang makita siyang nakatayo sa may dining table. Pag ka lingon niya sakin ay nakarinig ako ng kalansing nang pagkahulog sa table ng mga utensil na hawak niya.


Hindi pa rin ito umiimik at nanatiling nakatingin sakin.


Iniwasan ko ito nang tingin at patagong ngumiti: baka shocked pa rin si kumag sa sudden tight hug niya kagabi na tumagal din mahigit pa sa isang minuto. Well ako rin naman, hindi pa makaget over dun. His warmth, his hug, his scent, his wholesome sense of concern.

Rembrandt Must DieWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu