Chapter 17

264 14 2
                                    

Chapter 17
Gift

"Ano? Kamusta?"

Karaniwang tanong ng mga tao sa akin pagkatapos ng araw na iyon, specifically Sadie and my family. Talagang inabangan pa ako ni Mommy sa labas ng bahay para mangamusta.

I told them what happened. Minus of course the part when Brigette Zendejas- Tita Brigette indirectly asked me about my family's social status.

Ayos lang naman kasi talaga sa akin iyon. If I were in the same position, I think I'd also do it. If I have a son as great as Travis and he introduces me his girl, maybe I would also first check on the girl's family background. Mahirap na. I just want my son secured.

I gave them positive feedbacks because that's the truth. Matapos kasi ng usapin tungkol sa negosyo ng aking pamilya ay nagtanong-tanong na siya tungkol sa kurso ko, sa mga balak ko pagka-graduate, at iba pa. I can't believe she loosened up and talked about things like that, especially with me.

But despite the casualness of our topic, her self-reservation is still there, dominating. She talks articulately and with conviction. Punong-puno ng karunungan ang mga salita niya. Na para bang kung makikipag-usap ka sa kanya, dapat ay pormal ka at may kabuluhan ang mga sinasabi mo. Bawal ang sarkastiko o joke.

Travis was quiet the whole time. Simula nang magtanong ang Mama niya tungkol sa pamilya ko. Nang nasa sasakyan na kami at pauwi na ng bahay ay humingi siya ng tawad sa akin sa inasta ni Tita and I assured him it's fine. But he just wouldn't calm down and even promised to confront her mom which I immediately stopped! No way! Not when his mom's already nice to me.

Ang tagal bago ko siya nakumbinsing huwag ng gawin iyon. Kinailangan ko pa siyang pagbantaan.

"Bwisit 'yong tanda na 'yon. Akala niya naman galing galing niyang magturo?! Ha! Mukha niya."

"Sadie," saway ko.

Nasa canteen kami ngayon at nagla-lunch. She's been cursing our old professor for the last 30 minutes now. At tatlumpung minuto ko na rin siyang sinasaway at pinangangaralan. I'm concerned. Ayaw ko ng mga lumalabas sa bibig niya. Aside from she's saying foul words, mali ang ginawa niya kanina kaya siya napagsabihan.

"Tss. Oo na, Yani. Alam kong mali ako. I just... need to save my pride. Pinahiya niya kaya ako," she rolled her eyes.

Ngumiwi ako. "Bakit ka ba kasi nagti-text sa kalagitnaan ng klase?"

Nahuli siya ng prof namin kanina na nagti text sa klase. And because our professor's old, she's pretty traditional. Napagsabihan siya sa harap ng buong klase or according to her, 'pinahiya'.

She rolled her eyes again. "My fucking boyfriend broke up with me through text! Can you imagine that?! Kaya ayun, tinadtad ko ng text,"

Bumagsak ang balikat ko. Lalaki na naman. Sadie!!!

"Kakahabol mo, napagalitan ka tuloy." I said.

Kumunot ang noo niya. "No," umasim ang mukha niya. "Of course not! Tinadtad ko siya ng text dahil ang kapal niyang makipaghiwalay sa'kin! Dapat ako. Damn! Dapat talaga nakipaghiwalay na ako kagabi, e. This is the first time, huh?" may binulong-bulong pa siyang kung anu-ano.

Napairap na lang ako. Sadie, indeed.

Napatingin ako kay Lulu nang tumahol siya.

"Oh!" Sadie leaned on the table to get Lulu from me. "Sorry, Lulu. Tita Sadie almost forgot that you're here," hinalik-halikan niya ang aso kong natutuwa naman sa ginagawa niya.

I pouted and continued eating. Isinama ko si Lulu dito sa school ngayon dahil schedule niya ng check up sa vet at ako lang ang pwedeng magdala ngayon sa kanya roon dahil late makakauwi sila Mommy.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now